Para ma train ang bilis at gaan ng pag galaw ni Manny Pacquiao ay nai-enroll sya ni Freddie Roach sa isang samurai school.
Matapos ang ilang buwan ng matinding training ay nag final exam na si Manny. Tatlo lang silang estudyante at isa lang ang pwedeng piliing pinkamatinding samurai. Bilang pagsubok ay binigyan si Manny at ang mga kaklase nito ng tag iisang kahon ng posporo. Ang kahon ay naglalaman ng isang langaw.
"Sige," Sabi ng Master Samurai "isa isa kayong magbubkas ng kahon at kilangang mapatay nyo ang langaw sa pamamagitan ng samurai."
Nauna si Erik Morales. Binuksan nya ang pospora sabay lipad sa ere at wasiwas ng samurai. WHOOOOSH. Patay ang langaw! Hati sa DALAWA. Nagpalakpakan ang mga manonood at natuwa ang Master Samurai.
Kinabahan si Freddie Roach.
Sumunod naman si Juan Manuel Marquez. Binuksan ang posporo sabay tambling sa ere at wasiwas ng samurai. WHOOOSH. WHOOOSH.. Patay ang langaw. Hati sa APAT! Palakpakan at hiyawan ang mga tao at napapalakpak din ang Master Samurai.
Tumindi ang kabog ni Freddie Roach sabay inom ng malamig na tubig.
Ng si Manny Pacquiao na pagbukas ng posporo ay humaliwas ng isang matinding taga. WHOOOOOOOOOOOOSH. Nagliparan ang mga dahon at alikabok dahil sa lakas ng pag wasiwas ni Manny ng kanyang samurai.
Laking dismaya ng mga tao, halos mahimatay sa Freddie Roach (me suot ng oxygen mask) at napailing na lang ang Master Samurai.
Hinuli ni Manny ang langaw, at ibinigay sa Master Samurai para ipasuri. Nahimatay bigla ang Master Samurai. Lumapit ang isang epal at nakiusisa sabay sigaw ng "Tanginangyan! NATULI ANG LANGAW!"
Lupit mo Manny!
1 comment:
Salamat para sa mga kagiliw-giliw na impormasyon
Post a Comment