akalain mong me fan pala akong EMO.
ano ba itong Emo na tinatawag nila? ang alam ko lang Emo e yung pampatak sa mata pag nagmumuta ka... teka, eye-mo ata yun? pero parang ganun ata tong mga kabataang ito (meron bang matandang emo?). parang laging me pinapatak sa mata kasi mga iyakin sila.
ano bang characteristic meron itong sub-culture na ito? sa pinas naman parang wala akong nakikitang genuine na emo. karamihan na nakikita ko sa mga mall mga emo-emohan lang. yun bang kailangan ng guide dog o kaya stick pag naglalakad kasi natatakpan ng bangs ang mata. tapos ang pantalon e sobrang sikip na parang nakikita ko pa lang sila e sumasakit na itlog ko (kasi parang ipit na ipit e). yung iba me laslas (mababaw lang naman) sa mga braso kasi suicidal na daw. yung iba me mascara pa para daw kitang kita pag umiyak. e ano kaya namang iniiyak nitong mga hinayupak na ito!
emo daw kasi e short for emotional. tangina, ilapit mo sa mga tunay na punks yan sa isang konsyerto at siguradong magiging emosyunal sila pag lumalapat na sa mukha nila ang mga kamao at paa ng mga tunay na rakista! malamang babaha talaga mascara nila sa pag ngawa. tsaka kung tunay silang suicidal sa leeg sila dapat maglaslas! hindi yung mas malalim pa kamot ng pusa sa mga braso nila.
etong fan ko, tunay na emo to. tingnan nyo naman laslas sa braso.
1 comment:
HI!!
GANDA PO NG BLOG NIO.Actually I did like it..Kaso po,may pagka~EMO rin ako eh..Kaya medyo na-offend ako dun..Pero sa kabuuan, nakakatuwa..
Please follow my blogsite also, http://benalizadacumos.blogspot.com thanks...
GOD BLESS AND MORE POWERS!!
KEEP WRITING..!!!=]
Post a Comment