- Vanity shots. Bawal mag-upload ng 3 albums worth of photos na puro fez mo lang! Feel kitang i-report! Nag-headband lang, 75 photos agad dapat.
- After-jerjer cuddling photos. Wag mag-upload ng pics nyo ng jowa mo kung saan obvious na wala kayong saplot! Hindi handa ang sambayanan sa bedsheets niyong madumi. Sumulat kayo kay Xerex at magtanong kung kelan sya magkakaroon ng website.
- Mga mahilig makipag-away in English na karumal-dumal ang grammar.. "i'm can never jealous of a slut like you..your such a trying hard!!"
- TMI (Too Much Information) Attack - "ang lakas ng regla ko today..", "haizt maghapon akong nagtatae sakit na ng pwet ko.."
- Emo 24/7 - "guys ang sakit may mahal na siyang iba..", "fb friends gusto ko na mamatay..", "haizz miss ko na siya pero di ko sasabihin kung sino", "guys umiiyak ako ngayon (insert photo)"
- EoWH pFouH kUyAh uzTah pFouH jAn jEjEjE aCoh pFouh aUz aMan wAzuP pFouH NuH pFouH 3p nYoh JAn tAwA muCh jEjEjE ---> RECLUSION PERPETUA
Showing posts with label Rants. Show all posts

Tuesday, October 2, 2012
WHAT THE CYBERCRIME LAW SHOULD COVER
Monday, July 2, 2012
It's A Mirakol
Sakrtistan: father, nakita ko po yung pilay, nagdasal sa altar tapos sumigaw ng "MAKAKALAKAD AKO!" sabay tinapon saklay nya!..
Pari: diyos ko, isa tong milagro!....... Asan siya?
Sakristan: andun po nakadapa, putok ang nguso!!

Tuesday, October 4, 2011
Sunday, October 11, 2009
Saksak Mo
I hate loaning my things! Wow, ingles. Putcha naman kasi, pinaghirapan ko pagipunan at bilihin tapos gagamitin lang ng iba. Ang nakaka inis pa neto yung iba walang pakundangan sa pag gamit. Di man lang iniingatan yung hiniram sa'yo. Tapos pag di mo naman pinahiram kakalat na sa buong baranggay nyo na madamot ka. Di ako madamot! Konting konsiderasyon lang sa mga gamit na hiram lang. Thats the point... Syets! Ingles na naman.
Friday, July 17, 2009
Isang Makabagbag Damdaming Kwentong Opisina
Kapag wala ang malupet na Boss!
Kapag tinawag ka ng malupet na Boss!
Nasa training o seminar!
Coffee break sa baba!
Pag-uwi ng bahay galing opis!
Malapit na mag 5:30!
Walang pasok may holiday bukas!
Kapag may inutos ang malupet na Boss!
Kapag nalaman na hindi umabot ang report sa deadline *patay kay Boss!
Pagkatapos masabon ng malupet na Boss!
Ugali ng malupet ng Boss habang nag-eexplain ka sa kanya!
Pinagreresign ka ng malupet na Boss!
Sagot sa iyo ng malupet na Boss matapos humingi ng isa pang pagkakataon!
Natanggap mo ang force resignation letter galing sa malupet na Boss!
Ang kinahantungan ng malupet na Boss!
hehehe!!

Friday, June 19, 2009
Kakandidato Ba Si Mahal?
Malamang napapansin nyo na nagkalat na ang mga advertisement ng mga nagbabalak na kumandidato sa 2010. Anjan ang mga TV commercials ni Manny Villar at ni Mar Roxas. Sa mga posters naman makikita ang kay Bayani Fernando at kay Jejomar Binay.
Pero nitong nakaraang araw, habang binabagtas ko ang pink na foot bridge ng MMDA sa Quezon Avenue, QC sa kainitan ng araw, me napansin akong poster na bago.
Kung mapapansin nyo capitalized ang unang letra ng salitang Mahal at me guhit pa sa ilalim. Ibig bang sabihin nito e kakandidato rin si Mahal sa eleksyon? Anong pwesto kaya? Mayor ba? O baka naman *sindak* Presidente? Pero teka, kung sa pagka mayor sya kakandidato taga-QC ba sya? OMG! Baka nga sa pagka-presidente nya balak tumakbo! Ang tanong, taga Pilipinas ba sya? Ang ilalim ba ng lupa e considered na Pilipinas pa rin (kung sakaling laman-lupa o engkanto si Mahal.)
Wala namang pipigil sa kanya kung gusto man nyang kumandidato. Nasa Comelec naman yan kung papayagan nila si Mahal. Ano ano ba ang kwalipikasyon nya para makapasok sa politika? Tingnan nga natin:
1. dati syang artista (Erap, Loren Legarda, Bong Revilla, Ramon Revilla, Lito Lapid)
2. maliit sya (di ba at di rin naman matangkad si Tita Glow?)
3. nakakatawa sya. (Lahat ng pulitiko)
4. marunong syang sumayaw (tessie aquino oreta).
5. di na importante pa yung iba kasi wala naming pakialam ang mga pinoy kung edukado ka ba o kung meron kang madilim na nakaraan basta sikat at entertaining pwede na.
Sino kayang kukunin nyang Vice? Si Mura kaya? Ano kayang slogan nya? “Mura lang ang Pilipinas” o kaya naman “Isang Mura lang ang kailangan ng Pilipinas” O mas matindi… “Putanginang Pilipinas.” O diba murang mura ang dating.
Ang tanging balakid nya lang e ang scandal video nya. Yung nagpa video sya habang naliligo ng hubad). Pero hindi pa siguro nito kayang sapawan yung ke Katrina Halili… unless meron din silang video ni Hayden Kho.
Actually medyo pabor din naman sa Pilipinas kung maging presidente natin si Mahal. Kung meron mang gustong mag assassinate sa kanya medyo mahihirapan umasinta dahil sa maliit sya. Makatitipid ang sambayanan sa gastos sa pananamit ng Presidente kasi konting tela lang ang magagamit. Sa foreign relations naman maaring ma cute-an sa kanya ang mga pinuno ng ibang bansa at makapagdulot ito ng paborableng image sa Pilipinas. At kung totoong engkanto o dwende nga si Mahal madali natin mareresolba ang gyera sa Mindanao at problema natin sa Abu Sayyaf. Tatakutin lang nila o isusumpa ang mga kalaban tapos na ang gyera, tipid pa sa bala.

Sunday, March 1, 2009
Bossa Nova is the new Devils music
Meron ako dating CD na Bossa N' Marley... album ng mga kanta ni Bob Marley ginawang bossa. Me nag recommend sa akin kasi maganda daw. Alam daw kasi nila na fan ako ni Bob Marley. Alam daw nila na ma-appreciate ko.
Na curious naman ako kasi nga fan ako. Pumunta ako sa mga record bars para maghanap. Matapos ang ilang mall na napuntahan ko nakatagpo ako sa Music One. P350 lang naman. Maganda yung cover, crotch shot ng chick na nakabikini na me hawak na alak na nilunod sa lime tapos yung isang kamay binababa yung garter ng bikini para ipakita ang tattoo ng mukha ni Bob Marley.

Atat akong umuwi para mapakinggan. Tapos habang pinapakinggan ko yung mga kanta. Narealize ko na totoo nga na Bossa Nova is the new devils music. Kasi habang pinapakinggan ko yung mga kanta parang gusto kong manakit ng tao... Parang gusto kong saktan yung nakaisip na gawing bossa nova yung mga kanta ni Bob Marley. Parang gusto ko ding sakalin yung nag recommend sa akin na bilihin ko yung album. Shit! Siguro kung andun ako sa mismong recording studio habang nire-record yung mga kanta baka tinadyakan ko yung pinto nung studio sabay sigaw ng "TAENA NYONG LAHAAATTTT, WAG NYONG BABUYIN ANG KANTA NG IDOL KOOOOO. MGA HAYUP! MGA WALANGYAAAAA!." Tapos naalala ko, pacifist nga pala idol ko. Ayaw sa violence. Hinanap ko na lang yung vinyl kong "Legend" at pinatugtog ko ng buong lakas sabay sindi ng pampakalma.
Binalot ko na lang yung CD at naidonate ko sa kaibigan kong Satanista. Baka sakaling magamit nilang background music sa isa sa mga ritwal nila.
Payong kapatid sa mga mahilig sa music... save your soul, dont ever listen to songs you like na ginawang bossa.

Subscribe to:
Posts (Atom)