Showing posts with label Utot. Show all posts
Showing posts with label Utot. Show all posts

Wednesday, July 4, 2012

Tuesday, February 14, 2012

Happy Valentines Day

Sa mga Taken : HAPPY VALENTINES DAY


 


Sa mga Single : HAPPY INDEPENDENCE DAY 



Sa mga Broken Hearted : HAPPY HALLOWEEN


Sa Madaming BF / GF : HAPPY FIESTA






Friday, January 27, 2012

Mga Bagong Salawikaing Pilipino


  1. Ang gwapong nagigipit, sa bading kumakapit.
  2. Ang buhay ay parang bato, it's hard.
  3. Better late than pregnant.
  4. Behind the clouds are the other clouds.
  5. It's better to cheat than to repeat!
  6. Do unto others ... then run!!!
  7. Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
  8. Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
  9. When all else fails, follow instructions.
  10. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
  11. To err is human, to errs is humans.
  12. Ang taong nagigipit ... sa bumbay kumakapit
  13. Pag may usok ... may nag-iihaw
  14. Ang taong naglalakad nang matulin ... may utang.
  15. No guts, no glory... no ID, no entry.
  16. Birds of the same feather that prays together ... stays together.
  17. Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
  18. Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
  19. Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.
  20. Birds of the same feather make a good feather duster.
  21. Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
  22. Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
  23. Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
  24. Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
  25. Better late than later.
  26. Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
  27. Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
  28. No man is an island because time is gold.
  29. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto ... muta lang yan.
  30. Kapag ang puno mabunga ... mataba ang lupa!
  31. When it rains ... it floods.
  32. Pagkahaba haba man ng prusisyon ... mauubusan din ng kandila.
  33. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
  34. Batu-bato sa langit, ang tamaan ... sapul.
  35. Try and try until you succeed... or else try another.
  36. Ako ang nagsaing ... iba ang kumain. Diet ako eh.
  37. Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
  38. Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
  39. If you can't beat them, shoot them. (Nalundasan)
  40. An apple a day is too expensive.
  41. An apple a day makes seven apples a week. (really expensive)
  42. Aanhin pa ang damo kung ang garden mo'y sementado
  43. Aanhin pa ang damo kung bato na ang uso 

Wednesday, January 18, 2012

Monday, January 9, 2012

Vice Ganda Jokes

Sa Opisina.
vice: pasok mo nga dito yung mga papeles ko..
assistance: ser saan ko ipapasok , dito sa loob"?
vice: hinde sa labas, ipasok nga diba.pwede bang ipasok sa labas, sige nga subukang mong ipasok doon sa labas

Another Day
Kararating Lang sa Opis..

assistance: hi. good morning po ser nandito na po pala kayo
vice: hinde wala pa, picture ko lang toh, hindi pa ako to

Naospital yung pamangkin, kasi buntis (dinugo)...
pumuntang emergency

vice: nurse tulong!!
nurse: ano pong nangyayari? manganganak?
vice: ay hinde. ipapatira ko pa lang.dinudugo na nga diba. syempre manganganak na


2nd Attempt
vice: bilisan mo na
nurse: ano pong gusto niyo? tawagin ko si dok?
vice: hinde ako na kaya ko na toh!!!,doon na lang kayo, baka nakakaabala pa ako sa inyo!!

3rd Attempt
tagal ng doctor..
vice: yung ulo ng bata lumabas na!!
nurse: (nagtatakbo) ay ano yan ulo ng bata?
vice: hindi ulo ng titi ng bata..bwiset


Patay Tatay:
vice: *umiiyak sa harap ng kabao ng tatay
dumating si bestfriend, hinimas-himas yung likod ni vice*
bestfiend: uy, okey ka lang?
vice: ikaw hayop ka, patayin ko tatay mo? okey ka lang!!!!
vice: tangina ka tatay ko nasa kabaong, tapos tatanungin mo ko kung okey ka lang!!!
vice: okey lang ako, ako pumatay eh..bigtime! success patay na eh.. nasan tatay mo sunod na naten?!!! para okey ka den





VICE nakita ang bata sa kalsada na umiiyak. papalapit siya dito.
BATA: LEAVE ME ALONE!
VICE: hala ! adik? dadaan lang ako eh. kalsada mo to?
 



Vice papuntang fastfood:

Vice: (Umupo)
Waiter: Gud afternun po! Kakain po kayo?
Vice: Hindi, magluluto, tutulungan ko chef nyo.. Kakahiya naman nakiupo ako dito tapos hindi pa ko tutulong.. Bilis na.. Gusto mo tulungan pa kita sa mga customers nyo.. Tapos aasenso business nyo.. Edi masaya, di ba? Umunlad na kayo, nagutom pa ko.. Ang galing noh?

Vice nakaupo sa park.. Walang nakaupo sa ibang upuan..


Manong: Pwede po bang umupo dito?
Vice: Hindi, tinatalunan yan.. Nakikita mo di ba, ang daming nakaupo.. Mamaya tatalunan ko yan.. Tapos sabay nating gagawin.. Sama na rin natin yung mga dumadaan.. Para mukha tayong mga baliw lahat.. Bilis na, simulan mo na.. Maya-maya lang susunod ako..




Sa isang internet cafe…

Vice: Kuya,pa-extend
Kuya:ng time po?
Vice: Hindi! yong mga cord ng computer para maiuwi ko sa bahay namin at dun na ako maglalaro. Kakainis naman! pa-out na nga lang!
Kuya: yong sa inyo po?
Vice: hindi! yong sa katabi ko.Ayoko kasing may katabi.Try mo ring i-out mga iba para ako lang online dito.

Sa swimming pool gate…

Guard:Sir,maliligo po kayo?
Vice:Ay!hindi!maghihilamos lang ako…..Magkano ba bayad?
Guard: sa entrance po?
Vice:Ay!hindi!sa exit!!!kita mo namang papasok palang ako,diba? walang utak.
Guard: ako po?
Vice: hindi,yong pool!

Si Vice ay nasa bus..

Kundoktor: oh cubao, cubao cubao cubao cubao cubao cubao cubao cubao cubao cubao cubao cubao cubao oh cubao.
Ale: manong cubao?
Vice ganda: ay ate hindi davao davao subukan mong magbus papuntang davao. 


Nakakita siya ng guwapo, di nakapagpigil
Vice: Hi, ano pangalan mo?
Gwapo: Ako po?
Vice: Hindi sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw, ang tanga.


Sa gasoline station, pagbaba nya ng window
Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.


Sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke
Vice: Manong bayad po.
Manong1: Ilan ‘to?
Vice: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep.


Bababa na sya
Vice: Manong, para.
Manong1: Bababa ka na?
Vice: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.


2nd attempt
Vice: Para ho.
Manong1: Dyan ba sa tabi?
Vice: Ay hindi manong. Dun ako sa gitna, sa gitna para masagasaan ako.


Binaba siya sa gitna
Vice mabundol ng isa pang jeep…
Manong2: Nasaktan ka ba?
Vice: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bunguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, kaya na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.


Vice Ganda : Ma, punta ako ng burol ngayon
Nanay: Nino?
Vice Ganda : Classmate ko nung High School
Nanay: Namatay?
Vice Ganda : Ay, hindi-hindi! Trip niya lang humiga sa kabaong. Maganda daw kasi pang-Profile Picture sa Facebook.


Saturday, December 17, 2011

Oldies but Goodies

1. An Eat Bulaga contestant was asked by Joey and Vic: "Ano sa Tagalog ang grasshopper?" Contestant: "Ahmm. . .Huling Hapunan?" 



2. It was an ex-PBB housemate (1st batch) who said this: "Big Brother, ginagawa po nila ako laughing stuff..." 



3. In Wowowee, the question was: "Kung ang 'sigaw' ay 'shout' sa Inggles, ano naman sa Tagalog ang 'whisper'?" The contestant answered: "Napkin!" 



4. While watchng the news yesterday about a kid killed by a bulldozer, our maid commented: "Kaya ayoko mag-alaga ng aso eh..." 



5. My friend and I were walking up the stairs of our schools new bldg. She said out of nowhere: "Imagine mo kung di ginawa 'tong bldg, umaakyat tayo sa hangin?" 



6. My cousin at a DRIVE-THRU: "Miss, puwedeng take out?"



7. Nadia Montenegro promoting her movie: "Please watch 'The Life Story of Julie Vega', opening na po on the twenty-twoth of November." 



8. In a burger joint I heard a man say: "Miss, isa ngang 'amusing' aloha at saka 'kidney' meal." Server: "Dine in po ba or to go?" The man answered: "Ayoko ng sago!"



9. I was making cookies at home when I ran out of cookie sheets, so I called our maid and said: "Manang bili ka nga ng cookie sheet." And she replied: "Ano po, solo o litro?" (coke is it) 



10. My friend said: "Ang galing 'no, yung Ash Wednesday last year , Miyerkules din pumatak!" 



11. A non-Christian vendor selling a Last Supper painting: "Ma'am bili po kayo ng frame, maganda po ito, 'Hesus and Company." 



12. While watching "Apollo 13?, after she heard the line: "Houston, we have a problem." My ex-girlfriend asked: "Sino si Houston?" 



13. My aunt was going to the US for the 1st time. She told us: "Nagpapabili ang tita niyo ng 'autistic' guitar. Saan ba nakakabili nun?" 



14. We were marketing for an org event, when one of my orgmates wanted to clear the definition of the types of sponsors (Major, Minor, Patron, etc.) So she asked her grandma: "Lola, anong mas mataas sa Patron?" Her lola replied: "Patron? Eh di Shell!" 



15. Also in a gameshow. Host: "Ano sa Tagalog ang 'teeth'?" Contestant: "Utong!" 



16. I once heard an emcee say: "Let's give her a warm of applause!" 



17. One classmate in highschool said, "Ang cute naman ng sintas mo, luminou!" I corrected him and said, "luminous!" Then he replied, "Oo nga pala, plural!" 



18. Barker ng bus: Ah Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao, Cubao!!!" Pasahero: "Boss, Cubao?" 



19.Sa isang gameshow, tinanong ng host: "Anong 'P' ang Tagalog ng 'storey' o 'floor' ng building?" Contestan: "PIP PLOR!" 



20. An officemate of ours told us a story about driving alone in her car: "Alam niyo, pag nag-iisa ako, feeling ko...wala akong kasama..." 



21. I had a customer on the line who had a password on his account. I asked for the password but he forgot. I gave him a clue: "It's a 4-digit number." He answered, "Uhm...'ROCKY'?" 



22. Overheard a lady place an order at Starbucks: "One cup of chino please." 



23. An officemate once asked: "Saan sa Quezon City ang Mandaluyong?" 



24. I had a meeting with a friend and I noticed that both of us were wearing stripes. He suddenly blurted out: "Uy, stripes din! It's the color of the day!" 



25. My sister said of our neighbor who was our arch enemy: "Mamatay na sana kapitbahay natin!" I told her not to say that, coz it might bounce back to us. Then she said, "Ah ganun ba yun? In that case, mamatay na sana tayo!" 



26. When I saw that I got a missed call, I said, "Hey, I got a missed call!" My friend said, "Anong sabi?" 



27. From the gameshow "The Weakest Link". Host Edu Manzano asked: "Anong 'T' ang ibinibigay ng konduktor pag nagbayad ka ng pamasahe sa bus?" Ian Veneracion answered: "TUKLI!" 



28. We were reviewing for an exam and we were already dead tired. A classmate said, "Hala, brownout!" Pagtingin namin, nakapikit pala siya. 



29. A call center agent told a foreign customer regarding the changing of the due date of her credit card: "Ma'am, I already changed your monthly period." 



30. A home economics teacher asked us: "How do you make wet floor and tow duff?" Translation: "How do you make wheat flour and tough dough". 



31. During a shower party for my friend, the married women were giving tips on the do's & dont's of sexual intercourse, when the bride asked: "Hindi ba kasama yung betlog sa pinapasok?" 



32. Melanie Marquez: "Ang tatay ko lang ang only living legend na buhay pa." 

Wednesday, October 19, 2011

Chaser


Habang nakikinig ako ng mga lumang kantang RnB merong isang kanta na pumukaw sa isip ko. Ayun sa kanta ng TLC “don’t go chasing waterfalls” daw. Anu namang sense nun? Bakit ka nila pipigilang humabol sa waterfalls e napakadaling habulin nun. Hindi nga umaalis yun e. 


Sana kung magpapayo sila yung medyo me pakinabang, halimbawa; “don’t go chasing crocodiles” kasi yung crocodiles nangangain ng tao yun. Di ba mas may sense yun?


Thursday, May 21, 2009

Dear Bob Ong

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one.
Lubos na gumagalang,

Bartolome


- ANG REPLY –


Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?
Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit. (para sa mga hindi maka-“gets”, kapag tinanong ka, ang sagot mo ay, “sapagkat, ikaw lamang ang tanging ilaw at liwanag sa buhay ko”, o kaya naman ay, “you light up my life”…

8. I-text mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bakit? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”

Handang tumulong lagi,

-Bob Ong-

Thursday, November 20, 2008

Pizza At Kabag

Shet, umatake na naman ang hyper acidity ko! Lakas kasing lumamon.

Meron kaming meeting kasama ang mga Bosing ko. Libre ang chibug. Breakfast, meryenda, lunch, at meryenda pa ulit. Nung lunch time Pizza kinain namen. Andame! Lahat ata ng variety ng Shakeys meron. Resulta, lamon to the max. Putcha, naka sampung slice ata ako.

Nung hapon na nakaramdam na ko ng pangangasim ng sikura. Siguro dahil sa mantika nung pizza o dahil sa halo halong kinain o sa buong araw (pizza, mamon, ham sandwich, coke, kape, orange juice - libre lahat). O baka naman di na sanay ang bituka ko sa mamahaling pagkain (Pizza - Shakeys vs 3M; Mamon - Starbucks vs Aling Memangs; Sandwich - Dunkin' Donuts Bunwich vs CDO na niluto lang sa bahay na ipapalaman sa monay ni Aling Memang; kape - Starbucks vs. Nescafe 3 in 1; coke at orange juice vs. tubig).
Dapat sa karinderya na lang ako kumain. Sana'y di ako nagkakanda utot ngayun.

Teka muna at magbabanyo lang ako. Baka sakaling guminhawa na pakiramdam ko.

Friday, November 7, 2008

Bawal Umutot sa FX




Sakay ako ng FX kaninang pauwi ako galing sa trabaho. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng Shaw Boulevard biglang merong umamoy na kakaiba. Tangina, me umutot! Aircon pa naman yung FX.


Takip ako ng ilong. Alam ko dun sa pwesto ko sa likod galing yung amoy pero syempre lahat kunwari nababahuan. Sino ba namang aamin na sya ang umutot, di ba? Lalo na kung sobrang baho. Putsa, yung utot na pinakawalan sa FX e parang me kasamang alam mo na. Yun bang malagkit na utot kung tawagin nila.

Naalala ko tuloy yung tiyahin ko. Kasi minsan nung nagsisimba kami (matagal na panahon na yun) habang nakapila kami para sa kumunyon bigla ba namang umutot ng pagka lakas lakas. Syempre tinginan ang mga tao. Tapos napansin ko sa akin nakatingin. Yun palang tiyahin ko (na nakatayo sa harap ko) e nakatingin sa akin na para bang ako yung umutot. Ako naman e me pagkamahiyain pa nuon kaya nag blush sa hiya. Ayun parang inamin ko na ako nga yung umutot.