Friday, May 3, 2013
Saturday, November 17, 2012
Wednesday, July 4, 2012
Monday, July 2, 2012
It's A Mirakol
Pari: diyos ko, isa tong milagro!....... Asan siya?
Sakristan: andun po nakadapa, putok ang nguso!!
Monday, May 28, 2012
Thursday, March 22, 2012
Tuesday, February 14, 2012
A Valentines True Story
Dear Berta,happy valentines day.
alam kong hindi ito ang ideal mong valentines greeting kasi wala itong kasamang dose-dosenang roses at mga singer na naghaharana sa'yo habang pinapaulanan ka ng mga petals ng rosas habang nakatayo ako sa labas ng office nyo na nakasuot ng masakip na damit at pantalon tapos ang buhok ay naka gel na ang aayos ay parang bagong gising lang. tapos may hawak akong helmet habang naka upo ako sa ducati na sports bike o kaya naman naka tuxedo ako habang nakasakay sa limosine o sportscar. tapos pupunta tayo sa isang mamahaling restaurant at biglang sasabihin ko ang isang makabagbag damdaming dialog habang tumutugtog ang Canon D ni Pachelbel tapos magdadrama ka at sassabihin mong hindi pwedeng magkatuluyan tayo kasi mahirap ka lang / may sakit ka at malapit ka ng mamatay / mapang-alipusta ang magulang ko / etc. tapos tatakbo ka palabas ng restaurant at hahabulin kita tapos masasagasaan ako tapos babalikan mo ako habang nakahandusay ako sa kalye at sasabihin mong mahal na mahal mo ako habang naghihingalo ako at bago ako mamatay ay ki-kiss ka muna tapos uulan ng malakas, matitigok ako at sisigaw ka ng hindeeeeee.
pero para sa akin, mas okay itong simpleng greeting na ito kasi totoo ito, mula sa puso ko at hindi isang pantasya lang o isang palabas sa TV na alam naman natin (at least, para sa akin) na hindi nangyayari sa tunay na buhay.
at dahil sa ako ang BF mo at hindi isang milyonaryong koreano na naka face powder, naka lip gloss, at naka masikip na damit, pagtyagaan mo na lang ang pagiging barat ko.
i love you. happy valentines.
Love,
Ben
Friday, January 27, 2012
Mga Bagong Salawikaing Pilipino
- Ang gwapong nagigipit, sa bading kumakapit.
- Ang buhay ay parang bato, it's hard.
- Better late than pregnant.
- Behind the clouds are the other clouds.
- It's better to cheat than to repeat!
- Do unto others ... then run!!!
- Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
- Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
- When all else fails, follow instructions.
- Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
- To err is human, to errs is humans.
- Ang taong nagigipit ... sa bumbay kumakapit
- Pag may usok ... may nag-iihaw
- Ang taong naglalakad nang matulin ... may utang.
- No guts, no glory... no ID, no entry.
- Birds of the same feather that prays together ... stays together.
- Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
- Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
- Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.
- Birds of the same feather make a good feather duster.
- Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
- Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
- Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
- Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
- Better late than later.
- Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
- Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
- No man is an island because time is gold.
- Hindi lahat ng kumikinang ay ginto ... muta lang yan.
- Kapag ang puno mabunga ... mataba ang lupa!
- When it rains ... it floods.
- Pagkahaba haba man ng prusisyon ... mauubusan din ng kandila.
- Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
- Batu-bato sa langit, ang tamaan ... sapul.
- Try and try until you succeed... or else try another.
- Ako ang nagsaing ... iba ang kumain. Diet ako eh.
- Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
- Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
- If you can't beat them, shoot them. (Nalundasan)
- An apple a day is too expensive.
- An apple a day makes seven apples a week. (really expensive)
- Aanhin pa ang damo kung ang garden mo'y sementado
- Aanhin pa ang damo kung bato na ang uso
Monday, January 23, 2012
Sunday, December 18, 2011
Heart Donor
Boy: alam ko..
Girl: i love you!
Boy: i love you more, much more! sa'yo lang ang puso ko.
Pagkatapos ng operasyon, Nagising ang babae at ang tatay nya lang ang nasa tabi nya...
Girl: nasan sya?
Father: Hindi mo alam kung sino nagbigay sayo ng puso?
Girl: huh?? (biglang nag hysterical) BAKIT DI NYA SINABI NA PUSO NYA PALA ANG ILALAGAY SA AKIN. BAKEEEET!
Father: Ang OA naman neto. Joke lang! nandun sya sa banyo! TUMATAE!
Saturday, December 17, 2011
Kaparusahan
Hari: Ano gusto mong parusa? Ipakain sa leon o pasukan ng bubuyog sa pwet?
Pedro: (Syempre dun ako sa madali) Mas gugustuhin ko pong pasukan ng bubuyog sa pwet.
Hari: Ganun ba? Mga kawal, ilabas si Jollibee!
Saturday, December 10, 2011
BILL GATES FOR MICROSOFT EUROPE
Exactly 5,000 candidates assembled in a large room. One candidate is MARIO DIMACULANGAN.
2,000 people leave the room.
MARIO says to himself, 'I do not know JAVA but I have nothing to lose if I stay. I'll give it a try'
Bill Gates: Candidates who never had experience in managing more than 100 people may leave.
2,000 people leave the room.
Mario says to himself ' I never managed anybody but myself, but I have nothing to lose if I stay. What can happen to me?' So he stays.
Bill Gates: Candidates who do not have management diplomas may leave.
500 people leave the room.
Mario says to himself, 'I left high school at 15 but what have I got to lose?' So he stays in the room.
Lastly, Bill Gates asked the candidates who do not speak Serbo-Croat to leave. 498 people leave the room.
Mario says to himself, ' I do not speak one word of Serbo-Croat but what do I have to lose?' So he stays and finds himself with one other candidate. Everyone else has gone.
Bill Gates joined them and said 'Apparently you are the only
two candidates who speak Serbo-Croat, so I'd now like to hear you have a conversation together in that language.'
Calmly, Mario turns to the other candidate and says `Ano ba yan, dong?'
The other candidate answers 'Ewan ko, pare.'
Friday, December 9, 2011
Luma Na Ito Pero Natatawa Pa Rin Ako
Chief: sige hindi namin kayo papatayin, sa isang kondisyon. kailangan isa-isa kayong mangolekta ng 10 pirasong prutas. dalhin nyo iyon dito at saka ko sasabihin ang sunod nyong gagawin.
naghiwa-hiwalay ang tatlong magkakaibigan. unang dumating si Pedro, dala-dala'y 10 oranges.
Chief: ngayon, ipasok mo ang lahat ng mga prutas na iyan sa iyong puwet. kailangan ay hindi magbabago ang mukha mo. konting ngiwi o ngiti lang ay pupugutan ka agad namin ng ulo.
unang orange pa lang ang pinapasok ay napa-sigaw agad si Pedro. agad siyang pinugutan ng ulo. sunod na dumating ay si Juan, dala-dala'y 10 lansones. tuwang-tuwa siya ng in-explain sa kanya nung Chief kung ano ang kailangan nyang gawin.
Juan: sus! sisiw lang pala. kayang-kaya! buti na lang maliit na prutas ang kino-lekta ko.
naipasok ni Juan ang mga lansones sa kanyang puwit ng walang problema. ngunit nung asa pang-10 prutas na siya, bigla siyang napatawa. pugot-ulo agad.
pagkamatay ay napunta agad si Juan sa langit kung saan nakita niya si Pedro. nagkausap ang dalawa.
Pedro: sayang Juan! pinapanood kita dito sa langit habang ginagawa mo yung utos. isang lansones na lang hindi mo pa tiniis! buhay ka pa sana ngayon. ano bang nangyari sayo?
Juan: pare, ang dali-dali ngang ipasok nung mga lansones. kaso, nung matatapos na ako bigla kong nakita si pareng Jose -- may dala-dalang 10 LANGKA !
Saturday, December 3, 2011
Galit Sa Matitigas Ang Dila
may isang serial killer na gumagala na ang pinapatay lang ay mga Bisaya...
nabalitaan ito nila inday, marites at teresa...
nakita ng killer si inday tinanong
"bisaya ka ba?"
"hende ay!"
PATAY.
nagpraktis naman sina teresa at marites ng pagsasalita ng "hindi"
"hindi, hindi.."
nakita naman ng killer si teresa,
"bisaya ka ba?"
"hindi.."
"ano ang pangalan mo?"
"TIRISA"
PATAY!
nagpraktis ulit si Marites,
"hindi, hindi, Marites, Marites."
nakita naman ng killer si Marites,
"bisaya ka ba?
"hindi."
"ano'ng pangalan mo?"
"marites"
paalis na aNg killer... sa tuwa, napasigaw si marites...
"YIS!"
PATAY!
.
.
.
Sunday, November 27, 2011
Kuwentong Makahayop: Bastos
Kaya sinabi ng mga hayop sa manok…
“ hay naku manok, mangisay ka sana sa sobrang libog mo!!!!”
Isang araw, nakita ng mga hayop ang manok na nakahandusay sa lupa at nangingisay..
Mga Hayop: buti nga sa iyo!!! Mamatay ka sa libog!!!
Manok: mga ulol!!! Antayin niyo ako!! Pagkatapos ko dito sa LANGGAM yari kayo!!!
Tuesday, November 1, 2011
Mabuhay Ang Mga Patay!
Tuesday, October 4, 2011
Wednesday, September 14, 2011
Ms. Inter-Galactic Winner!
![]() |
| Ang winner habang pinuputungan ng koronang gawa sa dinurog na buto ng mga unicorns. |
Thursday, September 1, 2011
20 Signs You're Watching a Pinoy Movie
- Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.
- Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki sabay taas ng kamay at ngingisi.
- Ang pansit nagdadala ng malas. Uuwi ng bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay nya. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay ang nanay at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pansit ay nakamamatay.
- Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho yung buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.
- Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
- Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
- Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
- Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na ang Salop).
- Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”
- Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitawan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng “Kuyaaa!”. Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.
- Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene. Nagla-love-making na sila.
- Kapag sinabi ng kontrabida sa bida ang masama niyang plano, sasabihin ng bida, “Hayop ka!”.
- Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.
- Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay ng pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.
- Ang hide-out ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilera sa paligid ng pool.
- Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para pwede sila sumandal habang nag-I-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.
- Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
- Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
- Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.
- Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.









