KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito,
'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't
napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan
kayo na namatay ang alaga niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung
nanalo sa bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga
po."
"Putris ... s ayang! Ang laki pa naman ng
nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay
niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na
karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng
tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng
isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo,
Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses
niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng
tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong
kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng
sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang
pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay
niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung
kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman
diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya
dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi
na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
3 comments:
Haha. Nice one. I'm sold.
Hope to see you on my blogs:
Make More Money Online
Spread the WORD!
Pinkville
Couplestrip
1 USD = 41.3155 PHP
yan ay isang paraan ng unti-unting pagpatay sa atake sa puso.
Thaanks great blog post
Post a Comment