Showing posts with label Hayup. Show all posts
Showing posts with label Hayup. Show all posts

Sunday, December 18, 2011

Heart Donor

Girl: Magpapa opera ako sa puso..

Boy: alam ko..

Girl: i love you!

Boy: i love you more, much more! sa'yo lang ang puso ko.

Pagkatapos ng operasyon, Nagising ang babae at ang tatay nya lang ang nasa tabi nya...

Girl: nasan sya?

Father: Hindi mo alam kung sino nagbigay sayo ng puso?

Girl: huh?? (biglang nag hysterical) BAKIT DI NYA SINABI NA PUSO NYA PALA ANG ILALAGAY SA AKIN. BAKEEEET!

Father: Ang OA naman neto. Joke lang! nandun sya sa banyo! TUMATAE! 

Friday, December 9, 2011

Luma Na Ito Pero Natatawa Pa Rin Ako

May 3 hunters na nahuli ng mga cannibals sa gubat. dinala sila sa harap ng tribal chief para siya ang pupugot ng ulo. nagmakaawa yung mga hunters. naawa naman yung chief.

Chief: sige hindi namin kayo papatayin, sa isang kondisyon. kailangan isa-isa kayong mangolekta ng 10 pirasong prutas. dalhin nyo iyon dito at saka ko sasabihin ang sunod nyong gagawin.

naghiwa-hiwalay ang tatlong magkakaibigan. unang dumating si Pedro, dala-dala'y 10 oranges.

Chief: ngayon, ipasok mo ang lahat ng mga prutas na iyan sa iyong puwet. kailangan ay hindi magbabago ang mukha mo. konting ngiwi o ngiti lang ay pupugutan ka agad namin ng ulo.

unang orange pa lang ang pinapasok ay napa-sigaw agad si Pedro. agad siyang pinugutan ng ulo. sunod na dumating ay si Juan, dala-dala'y 10 lansones. tuwang-tuwa siya ng in-explain sa kanya nung Chief kung ano ang kailangan nyang gawin.

Juan: sus! sisiw lang pala. kayang-kaya! buti na lang maliit na prutas ang kino-lekta ko.

naipasok ni Juan ang mga lansones sa kanyang puwit ng walang problema. ngunit nung asa pang-10 prutas na siya, bigla siyang napatawa. pugot-ulo agad.

pagkamatay ay napunta agad si Juan sa langit kung saan nakita niya si Pedro. nagkausap ang dalawa.

Pedro: sayang Juan! pinapanood kita dito sa langit habang ginagawa mo yung utos. isang lansones na lang hindi mo pa tiniis! buhay ka pa sana ngayon. ano bang nangyari sayo?

Juan: pare, ang dali-dali ngang ipasok nung mga lansones. kaso, nung matatapos na ako bigla kong nakita si pareng Jose -- may dala-dalang 10 LANGKA !

Sunday, November 27, 2011

Kuwentong Makahayop: Bastos

May isang manok naubod ng libog. Sa bukid, lahat pinapatos niya. Ang baboy, bibe, kambing at pati baka…

Kaya sinabi ng mga hayop sa manok…

“ hay naku manok, mangisay ka sana sa sobrang libog mo!!!!”

Isang araw, nakita ng mga hayop ang manok na nakahandusay sa lupa at nangingisay..

Mga Hayop: buti nga sa iyo!!! Mamatay ka sa libog!!!

Manok: mga ulol!!! Antayin niyo ako!! Pagkatapos ko dito sa LANGGAM yari kayo!!!

Thursday, November 17, 2011

KIMERALD: Ano Na Ang Nangyari?


Simula nung nag-hiwalay si Gerald at Kim (Kimerald)...
Si Kim naging tomboy, 
Si Gerald naging ABNOY :'D





Tuesday, November 1, 2011

Mabuhay Ang Mga Patay!

Lola, wag ka na mag-effort dumalaw ha? Ako na po ang dadalaw sa inyo dyan sa sementeryo. See you later.


Monday, October 24, 2011

Basagan, Banatan, Bastusan

Sinong Mas Tanga?


Girl: Sino kasama mo kagabi?
Boy: Wala.
Girl: Wag mo akong gawing TANGA, nakita kita kagabi may kasama ka!
Boy: Eh TANGA ka naman talaga eh, nakita mo na nga tatanong ka pa.



BANATAN Kita Dyan E!


G: Papel ka ba?
B: Bakit?
G: Kasi SHEET KA!


B: (bumawi) Ah talaga? Eh ikaw? Boracay ka ba?
G: Bakit?
B: Kasi BEACH KA!



Kandila


Para sa mga may asawa/kasintahan - magsindi ng PULANG KANDILA para tumagal ang pag-ibig.


Para sa mga byuda/kakabreak - magsindi ng ASUL NA KANDILA para dumating ang bagong pag-ibig.


Para sa mga single - magsindi ng KATOL habang naghihintay.



Basagan!


Boy: Yang kili kili mo parang cake.
Girl: Bakit!?
Boy: Kasi "Black Forest"
Girl: HMP! E ikay yang mukha mo parang ice cream.
Boy: Bakit? Kasi nakakatunaw?
Girl: Hindi. Kasi "Rocky Road!" Hayup ka!



Letting Go..


Isang araw umakyat ng bundok si BF kasama si GF. Si BF nadulas...
BF: Shit! Mahuhulog na ko! Tulungan mo ko!
*Hinawakan ng GF ang kamay ni BF.*
GF: If you love someone, you should let him go.
BF: Taaaannngggiiinnnaa moooo!!



UNSUCCESFUL STUDENTS


CIVIL ENGINEERING- Karpintero
MIDWIFERY - Yaya
CRIMINOLOGY - Tanod
MEDICINE - Albularyo
IT - Bantay ng computer shop
ACCOUNTANCY - Collector
FINE ARTS - Pintor ng street lines
PSYCHOLOGY - Manghuhula
TOURISM - Taxi Driver
NURSING - Maid Caregiver
MED TECH - Drug pusher
HRM - Waiter



KUNG ANG PAGIGING PANGET AY ISANG KASALANAN, HUMINGI KA NA NG TAWAD SA KANILA.
.
.
.
.
.
.
.

Wednesday, September 14, 2011

Ms. Inter-Galactic Winner!

Walang sinabi si Ms Angola dito sa nanalo sa Ms Inter-Galactic. Kung di nga lang lampas na sa age limit baka sya pa ang nanalo sa Ms Universe.

Question and Answer Portion:

Judge: What is your opinion on giving kids Sex Education
Dutsis op Ginsan:  Para sakin uki lang na ituro yun sa iskul and Siks Idukisyun basta wag lang magbibigay ng homwork sa mga bata ay! 

Ang winner habang pinuputungan ng koronang gawa
sa dinurog na buto ng mga unicorns.

Monday, September 12, 2011

Pampainit...

Sariwang sariwa...
Nanggigigil ka na ba?








Konti pa...
Malapit na ang glorya.







Nag-i-init ka na ba?
Konting baba pa.






Eto na sya...




MALAPIT NA...













Nakakainit di ba? Nakakainit ng ULO. Wahahaha...






Friday, August 26, 2011

Ganito magbigay ng masamang balita...

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... s ayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon.  Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

Gandang kabayo pa naman...

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a.  Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw.  Binaril ko."

Saturday, July 9, 2011

Pasaway Na Wrong Lyrics


  1. “I decided long ago, never to walk with edu manzano.”
  2. “so kiss me and smaffle me.”
  3. “it started when we were younger you were nine.”
  4. “some people want tambourines but I don’t”
  5. “my only nest is killing me.”
  6. “don’t go jason waterfalls.”
  7. “constantine, you’re on my mind.”
  8. “soul of Christ sat beside me.”
  9. "i hope you clap your hands"
  10. "badong make me close one more door, i don't wanna hurt anymore"
  11. "isn't it ironic, twenty-six"
  12. "sama-sama saying goodbye, i believe it hurts when we cry...don't we know parting's never so easeeeeehhhhhhhh...."
  13. "Ken Leeeeee ilibu dibu douchoo, Ken Leeeeee I can’t give anymore"
  14. "no i can' forget the semen on your face as you were leaving"
  15. "MIGHTY MOUSE outside Chicago..."
  16. And finally, “nothing’s gonna change my love for you, you know naman my love how much I love you.”







Eto naman local...