tuksuhan. asaran. pikunan. suntukan.
ganyan ang cycle ng biruan namin nung araw. ok lang kung marami kang ka-tropa (barkada). kung ikaw ay me sariling mundo, nakupo! kawawa ka.
tanda ko pa nuong araw pag me napa away sa mga kaibigan ko na sabay sabay kaming susugod at pagtutulong tulungan kuyugin kung sino man yung kaaway. suntukan lang naman. kaso dahil nga sa dami namin kawawa ka talaga pag napa trobol ka sa amin.
natatandaan ko pa na me nakaaway ang kaibigan ko na mas matanda sa amin. grade 4 lang ata kami nuon at grade 6 naman yung kaaway (tawagin na lang natin syang buknoy - pero bernard talaga yung pangalan nya). syempre pa gustong makaganti ng kaibigan ko. ayun, sugod naman kami. inabutan naming dalawa lang ang kasama ni buknoy at sampu naman kami. takbo sila. inabutan naman namin. di naman namin binugbog si buknoy. ang ginawa namin hinubaran namin tapos hinagis sa taas ng puno ng sampalok yung mga damit nya! sabay takbuhan kami papalayo.
nung kasalukuyang umaakyat sya ng puno para kunin ang damit nya tinawag namin ang isang titser ng grade 4 at tinuro namin si buknoy na hubad pa rin at pababa pa lang sa puno. me mga bata na sa baba ng puno ng sampalok na sabay sabay na sumisigaw ng "buknoy supot! buknoy supot!" si bernard naman, este, buknoy pala, sumisigaw din ng "papatayin ko kayong lahat!" pagdating nya sa baba sabay sabi nung titser "o, buknoy mamaya mo na sila patayin. punta muna tayo sa opis ng prinsipal." AYUN! na opis na sya nalaman pa ng buong eskwelahan na supot pa pala sya. kawawang bata.
No comments:
Post a Comment