nuong bata ka pa bawal pang magmura diba? nung mga panahong yun parang nakakatuwa na nakakapagsalita ka ng salitang mga matatanda lang pwedeng magsalita. tapos mapapanuod mo pa sa pelikula ni ramon revilla, rudy fernandez, at kung sino sino pang action stars na nagmumura sila. parang "cool" ang dating. astig na astig. kaso pag nadinig ka ng nanay mo o kaya tatay mo yari ka. pitik ka sa nguso o kaya sampal pa.
syempre pa me mga bata na nakakapagmura. sabi mo bakit di ako e ala naman nakakadinig na iba. hala, mura ka din ng mura. masama nyan me makadinig sa yo na kakilala ng tatay mo o kaya nanay mo tapos isumbong ka (aba oy, yung anak mo kung makamura ay parang preso). mas masama kung madulas ka sa harap nila mismo. sasabihin ng tatay / nanay mo... "tangina kang bata ka! bakit ka nagmumura. tarantado ka a. san mo natutunan yang salitang yan, hayup ka. gusto mong paduguin ko yang nguso mong lintik ka!" AYUN!
yung mga medyo malikhain umiimbento ng sariling mura. andyang makarinig ka ng salitang walangdya, walan-gade, lanya, nyangyan (para sa walang hiya), yopnayan, yup, nimal (para sa hayup), tang inumin mo/nyo, pusang inahitan, putong gala, putris, pyucha, inamoy, putong inamoy, pusong inahin, pusang inahin, pusang inalis, pusong inalis, pusang ginalis, pusang kinilaw, king-ina, pudayninamoy, tanginoneks, tangninonaks (putang ina mo/nyo/nila); ogag (gago); linsyak, linchik (lintik), at kung ano ano pa.
natatandaan ko pa nuong bata pa ko pag nagkukwentuhan kami...
ako: napanuod mo ba yung pelikula ni agimat kagabi sa channel 2.
sila: oo. walangdyang galing ni ramon revilla no. ayup!
ako: pusang inahitang galing sa aksyon. lalo na yung naging totoo yung mga tattoo nya. linchik, parang totoo!
iba: di ko napanood. king-inang kapatid ko cartoons ang gusto. yupnayan o.
o kaya naman pag nag away na...
ako: pusang ginalis ka naman. bakit mo kinuha yung jolens ko. nimal ka.
sila: ogag ka ba? di naman ako kumuha nun nambibintang ka agad. namo!
ako: tanginumin mo! ikaw yun, nakita kita, yup ka!
sila: putong inamoy! di ako. landya ka. yung linsyak na si kwan kumuha nun.
ako: pusang inahin ka!
sila: pudayninamoy!
ako: pusang ginalis ka!
sila: pusang inahin mo!
ako: suntukan na lang! tangninonaks!
meron namang iba na hindi naman mura pero parang ganun na rin...
ako: neknek mo!
sila: neknek mo dalawampu!
ako: katawan mo balot ng neknek!
sila: neknek mo at ng nanay mo!
ako: walang damayan ng nanay. neknek mo at ng buong pamilya mo!
sila: walang damayan ng pamilya! neknek mo at ng buong baranggay nyo!
hanggang mabalot ng neknek ang buong daigdig.
ang saya no?
1 comment:
wow what can i say pinoy creativity at it's best
Post a Comment