Sa okasyon ng pagre-retiro ng isang pari matapos ang 25 taon sa kanyang parokya ay nag karoon sila ng isang programang parangal. Imbitado sa okasyong ito ang isang prominenteng lokal na politiko upang magbigay ng maigsing talumpati at papuri sa nasabing pari. Subalit sa oras ng talumpati ay wala pa ang politiko. Upang di mainip ang mga bisita, nagbigay muna ang pari ng maigsing anekdota tungkol sa kanyang ekspiriyensya sa parokyang yaon.
“Nuong bago pa lang ako rito sa parokya natin akala ko ay napaka makasalanan ang mga tao rito. Itong impresyong ito ay dahil sa kaunaunahang kumpisal na natanggap ko. Ang unang taong lumapit sa akin para mangumpisal ay umamin na sya ay nagnakaw ng mga alahas. At ng tinanong sya ng mga pulis ay buong husay syang nakapagsinungaling. Ginamit nya ng walang paalam ang credit card ng magulang nya, pineke nya ang kamatayan ng lolo nya para makuha ang insurance policy nito, ninakawan nya ang amo nya, nakiapid sya sa asawa ng kaibigan nya, tumikim ng bawal na gamot, gahaman sa alak at sugal, at nanghawa ng sakit na tulo sa kanyang kapatid na babae. Ako’y lubhang nabahala sa aking narinig. Subalit pagdaan ng mga araw, napatunayan ko na hindi lahat ng tao sa parokyang ito ay tulad nya. Ako’y natutuwang sabihin na ang parokyang ito ay puno ng mabubuti at mapagmahal na tao."
Pagkatapos na pagkatapos ng pananalita ng pari ay dumating na ang panauhing pandangal. Humingi sya ng dispensa sa kanyang pagka antala at agad agad na umakyat sa entablado para magbigay ng kanyang talumpati at parangal sa pari.
“Hinding hindi ko makakalimutan ang unang araw na dumating ang ating butihing pari sa parokyang ito. Sa katunayan, ikinararangal kong sabihin sa inyo na ako ang kauna unahang taong nangumpisal sa kanya…”
Aral: Wag magtiwala ng sikreto sa mga Pari!
No comments:
Post a Comment