sobrang pilyo kami nung mga bata pa kami. marami kaming kalokohan na sa tuwing naaalala ko ay naiisip ko "sana wag gawin ng mga anak ko 'to."
nung mga panahong elementarya pa lang kami mahilig kaming magpa ring ng doorbell sa mga nadadaanan naming mga bahay sabay takbo, tago sa pinakamalapit na kublihan at pagtatawanan kung sino man yung magbubukas ng pinto at maghahanap kung sino yung kumatok. minsan naman naisipan ng kasama ko na magtali ng kuting na napulot namin sa pintuang kakatukin namin. ang pagkakatali ng kuting ay tapat sa mukha ng magbubukas ng pinto kaya pagbukas nya ay kuting ang sasalubong sa kanya. masaklap kung mapapa "akap" sa mukha nya yung kuting (araykupo!). dalawang beses lang namin nagawa dahil ang hirap humuli ng kuting.
meron pa kaming isang kalokohan sa pag doorbell na paulit ulit naming ginawa nuon at hanggang ngayun ay napapangiti pa rin ako pag naaalala ko. ang modus operandi namin ay ganito. mangungulekta kami ng tae (oo, tae nga) ng aso o kaya ng kalabaw tapos ibabalot namin ito sa dyaryo. tapos ilalagay namin sa harap ng bahay na kakatukin namin tapos sisindihan namin yung papel sabay kakatok kami sa pinto o kaya's mag do doorbell. pagbukas ng pinto ay magugulat ang makakakita sa nagaapoy na papel "shet! ano to!" sabay apak dito "shet! shet nga!" AYUN! jackpot! kami nama'y walang humpay na pagtawa kung saan man kami nakakubli nung mga oras na iyon.
ang kalokohan nga naman ng kabataan.
No comments:
Post a Comment