Monday, December 22, 2008

Oo, Lasang Manok Nga, Pero...


Natatandaan ko pa dati ng mahilig kaming kumain sa mga Chinese Restaurant sa Binondo at Divisoria. Ang mumura ng pagkain tapos ang dami pa. Tapos isang araw habang pauwi kami, pinaguusapan namin yung goto na kinain namin ng me biglang sumabat sa usapan namin at sinabing "Sigurado ba kayong manok nga ang nakain nyo?"

Last day na yun ng pagkain namin dun. At matagal na panahon ako bago nakakain ulit ng manok.


OO, lasang manok nga! Pero...

Sunday, December 21, 2008

Maalala mo kaya...



Dear Ate Charo,

Thank you for considering this letter of mine. I'm writing about Ben. We're in our twenties and both work in Makati. In fact, we used to be officemates. I've known him for almost two years and all the time, I've been in-love with him, although we are just friends and he has a girlfriend he intends to marry.


Ate Charo, I can't help but fall in love with him. He's perfect! He's responsible, intelligent, resourceful, thoughtful, loving, sweet, caring, upright, kind, family-oriented, and a God-fearing individual. His good looks are just an added bonus. I can't believe such a man still exists
today and I will forever be thankful for his friendship.
It is a pain to be so in-love with him because he and his girlfriend are perfect for each other and are so happy being together. I don't know if he's aware of my feelings for him, but winning his heart, I think, is out of the question. His girlfriend is too precious for him. Losing her would truly hurt him, and I don't want to see him in pain. I know, however, that a part of me wishes he would reciprocate my love, but he's just too good for me. He deserves someone better, like the girl he has now.
Knowing he's happy with her is enough consolation for me. I want his happiness even if it would mean my own despair. God knows how such I'm suffering. Writing this letter alone is already a torture. I've been trying very hard to forget him. I've done ways I know to free myself. Pero ang kulit talaga ng puso ko, ayaw sumunod. Ate Charo, I haven't seen or talked with him for a long time and I thought his absence would somehow cool down the feeling, but it hasn't. I don't want to miss him, but I do miss him terribly. How can I forget him?
Whenever I see a place, a thing, or a situation, my mind automatically associates it with him. His memories occupy most of my waking and sleeping hours. His face pops into my mind in the middle of my lunch, when I'm talking with my friends, cleaning my house, or just doing something which has nothing to remind me of him. Odd, but true. I'm not bitter, Ate. I don't blame myself, him, nor God for this situation. As a matter of fact, I'm thankful. Painfully odd as it is, this situation has made me the mature person I am now. But I can't help ask myself why should someone fall for another when they are not meant for each other? Why Ate Charo? Why?
You know Ate, whenever I pray, I always ask God to help me let go of this love. I just want to feel the same way he feels for me... as a friend and nothing more. I know I can get through this because I believe that God wouldn't give me something He knows I couldn't handle. Someday I will be able to smile again without being hurt when I remember him. God has His reason for all of these and until I know the reasons, I want to hear words from you. Attached is my picture to show my sincerity and let you decide if am really not meant for his love.

Please Ate Charo, help me.


Sincerely,
Berta









Dear Berta,

Punyeta kang bakla ka! Maganda pa sa iyo ang tsonggong puyat. Pinagod mo pa ako sa pagbasa ng letter mo! Ang landi mo!!! Makati ka pa sa gabing Bicol!

Tigilan mo na ang ilusyon mo, iha. Hindi mo kayang ibigay kay Ben ang kayang ibigay ng girlfriend niya, sa susunod na sumulat ka pa sa akin, ipapasagasa kita sa pison!!!

Ate Charo

Saturday, December 13, 2008

Fortune Cookie of The Week


Nakipag date ka. Kumain kayo sa isang mamahaling Restaurant. Masayang masaya siyang nakikipag kwentuhan sa yo. Tawa sya ng tawa. Kahit di ka na nagdyo joke natatawa pa rin sya. Sabi mo sa sarili mo "Yari na 'to! Matinding sense of humor daw ang pinakagustong katangian ng mga babae. Kung ganito sya kasaya pag kasama ako malamang ma-inlove sa akin ito."

Tuwing mangingiti ka napapangiti din sya... "Meron kaming koneksyon. Ang saya naman! Mamaya siguro makaka kiss na ako. Yahooooo!"

Tapos pagkatapos nyong mag dessert binuksan mo ang iyong fortune cookie sabay dasal "Sana ang sasabihin ng Fortune Cookie - Sya na ang makakasama mo sa habangbuhay." Tapos binuksan mo na ng cookie...


AYUZ!


Sunday, November 23, 2008

Samurai Training Ni Manny Pacquiao

Para ma train ang bilis at gaan ng pag galaw ni Manny Pacquiao ay nai-enroll sya ni Freddie Roach sa isang samurai school.

Matapos ang ilang buwan ng matinding training ay nag final exam na si Manny. Tatlo lang silang estudyante at isa lang ang pwedeng piliing pinkamatinding samurai. Bilang pagsubok ay binigyan si Manny at ang mga kaklase nito ng tag iisang kahon ng posporo. Ang kahon ay naglalaman ng isang langaw.

"Sige," Sabi ng Master Samurai "isa isa kayong magbubkas ng kahon at kilangang mapatay nyo ang langaw sa pamamagitan ng samurai."

Nauna si Erik Morales. Binuksan nya ang pospora sabay lipad sa ere at wasiwas ng samurai. WHOOOOSH. Patay ang langaw! Hati sa DALAWA. Nagpalakpakan ang mga manonood at natuwa ang Master Samurai.

Kinabahan si Freddie Roach.

Sumunod naman si Juan Manuel Marquez. Binuksan ang posporo sabay tambling sa ere at wasiwas ng samurai. WHOOOSH. WHOOOSH.. Patay ang langaw. Hati sa APAT! Palakpakan at hiyawan ang mga tao at napapalakpak din ang Master Samurai.

Tumindi ang kabog ni Freddie Roach sabay inom ng malamig na tubig.

Ng si Manny Pacquiao na pagbukas ng posporo ay humaliwas ng isang matinding taga. WHOOOOOOOOOOOOSH. Nagliparan ang mga dahon at alikabok dahil sa lakas ng pag wasiwas ni Manny ng kanyang samurai.

Laking dismaya ng mga tao, halos mahimatay sa Freddie Roach (me suot ng oxygen mask) at napailing na lang ang Master Samurai.

Hinuli ni Manny ang langaw, at ibinigay sa Master Samurai para ipasuri. Nahimatay bigla ang Master Samurai. Lumapit ang isang epal at nakiusisa sabay sigaw ng "Tanginangyan! NATULI ANG LANGAW!"

Lupit mo Manny!

Saturday, November 22, 2008

Si Manny Pacquiao at Ang Santo Papa




Isang araw nagyayabang si Manny Pacquiao sa kanyang coach ni si Freddie Roach, "Alam mo kuts sa kasikatan ko ngayun ka-close ko na siguro ang lahat ng mga pinakasikat na tao sa buong mundo. Magbanggit ka ng kahit sinong sikat, malamang friends kami nun!"

Napika si Roach sa kayabangan ni Manny kaya kinasahan nito ang hamon nya, "Sige nga Manny, magkakilala ba kayo ni Tom Cruise?" "Si Tom Cruise lang ba? Kakilala ko yan Kuts at kaya kong patunayan sa'yo."

Kaya't pumunta si Manny at si Roach sa Hollywood at dumiretso sa bahay ni Tom Cruise. Ng makita ni Tom si Manny sabay sigaw ito ng "Manny! How you doin' man. Nice to see you! Come on in for a beer!"

Bagamat nagulat si Roach, me konting duda pa rin ito. Kaya't matapos silang umalis sa bahay ni Tom Cruise ay hinamon ulit nito si Manny. Siguro tsamba lang na magkakilala kayo ni Tom Cruise." "Magsabi ka pa ng ibang sikat Kuts at pupuntahan natin!", sabi ni Manny. "Si President Bush," agad na sinabi ni Roach.

"Si Bush lang ba," sabi ni Manny, "Nakainuman ko na yan dati sa Las Vegas." at lumipad ulit sila.

Sa White House, nakita ni President Bush si Manny sa tour sabay kaway at tawag sa kanya, "Manny, what a surprise, I was just on my way to a meeting, but you and your friend come on in and let's have a cup of coffee first and catch up."

Napanganga na lang si Roach. Pero di pa rin sya kumbinsidong husto.

Kaya't matapos silang makaalis ng White House humirit na naman ito na di pa rin sya lubuslubusang naniniwala na kahit sinong sikat ay kaibigan na ni Manny. "Magbanggit ka pa ng kahit sinong sikat na tao at siguradong kakilala ko yun." "Ang Pope Benedict sa Vatican," mabilis na sambit ni Roach. "Sure!" Sabi ni Manny. "Si Pope Benedict nga ang nagbinyag sa bunso namin ni Jengkeh. Close kami nun."

Kaya't sumakay na naman sila ng eroplano. Ngayun naman ay patungo ng Vatican. Si Manny at si Roach ay nakihalubilo sa maraming tao sa Vatican Square pero kahit anong kaway at sigaw ni Manny ay di sya makita ng Santo Papa. "Hindi ubra ito." Sabi ni Manny. "Ganito na lang Kuts, pupunta na lang ako sa loob ng Vatican tapos lalabas ako sa balcony kasama ang Santo Papa.

At nagtungo na nga si Manny sa Basilika. At matapos nga ang kalahating oras lumabas na si Manny kasama ang Santo Papa sa balcony sabay kaway sa mga tao.

Nang bumalik na si Manny sa kinaroroonan ni Roach nagulat sya ng malamang inatake ito sa puso at napapalibutan ng mga paramedics. "Anong nangyari!?" Sabi ni Manny. Tiningnan sya ni Roach sabay sabing "Okay pa naman ako nung lumabas ka ng balkonahe kasama ang Santo Papa pero ang di na nakayanan ng puso ko ay nang napasigaw yung kalapit kong Amerikano ng "Tangngang yan! Sino kaya yung kalapit ni Manny sa Balkonahe!?" ("Who the f*#k's that on the balcony with Manny?)

Ayuz!

Thursday, November 20, 2008

The Manny Pacquiao Fight Continues


MASHED POTATO

Sa Amerika, kumakain si Paquiao, Freddie Roach, at si Jinky sa isang restawran.

Roach: I suggest we first order potato or mashed potato as appetizer.
Jinky: Freddie, wats da dipirens bitwin potato and mashed potato?
Paquiao: Ang tanga mo talaga Jengke! Nakakahiya ka! Poteto lang at mas poteto di mu pa alam pagkakaiba. Itong table cloth pote 'to tong suot kong polo mas pote 'to.


JAPANESE RESTAURANT

Sa isang Japanese Restaurant

Freddie Roach: I'll order 1 Gyoza and 1 Tempura
Jinky: Ako naman Okonomiyaki with Wasabi
Manny: Bigyan mo ako ng Ta-KeHo-Me
Waiter: Sir, Take Home po basa dyan.


Paquiao SA STARBUCKS

Waiter: Decaf?
Manny: No! I want it in DeMug para mas madami!


SA DENTISTA

Manny: Doc, nagmamadali lang ako. Pwede bang wala ng papamanhid pagbunot ng ipin?
Dentista: Pwede. Pero masakit yun?
Manny: Ok lang Doc.
Dentista: Sana lahat ng pasyente ko ganyan katapang. Sige aling ngipin bubunutin?
Manny: Jingky! Yung bagang mo ba masakit?


ASSIGNMENT

Gumagawa ng assignment ang anak ni Manny.

Tay, sabi dito sa assignment ko ang tawag daw sa grupo ng mga ibon e flock of birds, at pag grupo naman ng mga isda e school of fish, tapos ang grupo ng wolves ay pack of wolves, ano daw naman po ang tawag sa group of dogs?
Manny: Ang tanga mo naman anak! Simpleng simple di mo masagot! Anu pa, e di ASOciation!

SHAMPOO

Habang naliligo si Manny.
Manny : Jinky! Bumili ka nga ng shampoo!
Jinky : Ano ka ba naman! Kakabili ko lang ng shampoo kanina?
Manny : Eh tanga ka pala! Basa na ang buhok ko eh For Dry Hair lang ito!!


DE LATA

Jingky: Manny, gusto kong kumain ng meatloaf. Bili naman tayo ng delata.
Manny: Ano ka ba Jengke! Mayaman na tayo wag ka na magtatagalog. Wag mong sabihing delata. Sabihin mo kang-guds!




Pizza At Kabag

Shet, umatake na naman ang hyper acidity ko! Lakas kasing lumamon.

Meron kaming meeting kasama ang mga Bosing ko. Libre ang chibug. Breakfast, meryenda, lunch, at meryenda pa ulit. Nung lunch time Pizza kinain namen. Andame! Lahat ata ng variety ng Shakeys meron. Resulta, lamon to the max. Putcha, naka sampung slice ata ako.

Nung hapon na nakaramdam na ko ng pangangasim ng sikura. Siguro dahil sa mantika nung pizza o dahil sa halo halong kinain o sa buong araw (pizza, mamon, ham sandwich, coke, kape, orange juice - libre lahat). O baka naman di na sanay ang bituka ko sa mamahaling pagkain (Pizza - Shakeys vs 3M; Mamon - Starbucks vs Aling Memangs; Sandwich - Dunkin' Donuts Bunwich vs CDO na niluto lang sa bahay na ipapalaman sa monay ni Aling Memang; kape - Starbucks vs. Nescafe 3 in 1; coke at orange juice vs. tubig).
Dapat sa karinderya na lang ako kumain. Sana'y di ako nagkakanda utot ngayun.

Teka muna at magbabanyo lang ako. Baka sakaling guminhawa na pakiramdam ko.

Sunday, November 16, 2008

Emo: Isang Bagong Sub-Culture O Katarantaduhan Lang (Offensive)

akalain mong me fan pala akong EMO.

ano ba itong Emo na tinatawag nila? ang alam ko lang Emo e yung pampatak sa mata pag nagmumuta ka... teka, eye-mo ata yun? pero parang ganun ata tong mga kabataang ito (meron bang matandang emo?). parang laging me pinapatak sa mata kasi mga iyakin sila.

ano bang characteristic meron itong sub-culture na ito? sa pinas naman parang wala akong nakikitang genuine na emo. karamihan na nakikita ko sa mga mall mga emo-emohan lang. yun bang kailangan ng guide dog o kaya stick pag naglalakad kasi natatakpan ng bangs ang mata. tapos ang pantalon e sobrang sikip na parang nakikita ko pa lang sila e sumasakit na itlog ko (kasi parang ipit na ipit e). yung iba me laslas (mababaw lang naman) sa mga braso kasi suicidal na daw. yung iba me mascara pa para daw kitang kita pag umiyak. e ano kaya namang iniiyak nitong mga hinayupak na ito!

emo daw kasi e short for emotional. tangina, ilapit mo sa mga tunay na punks yan sa isang konsyerto at siguradong magiging emosyunal sila pag lumalapat na sa mukha nila ang mga kamao at paa ng mga tunay na rakista! malamang babaha talaga mascara nila sa pag ngawa. tsaka kung tunay silang suicidal sa leeg sila dapat maglaslas! hindi yung mas malalim pa kamot ng pusa sa mga braso nila.

etong fan ko, tunay na emo to. tingnan nyo naman laslas sa braso.


Thursday, November 13, 2008

Kalokohan 101: Bakit Maasim Ang Sampalok (BASTOS)

tuksuhan. asaran. pikunan. suntukan.

ganyan ang cycle ng biruan namin nung araw. ok lang kung marami kang ka-tropa (barkada). kung ikaw ay me sariling mundo, nakupo! kawawa ka.

tanda ko pa nuong araw pag me napa away sa mga kaibigan ko na sabay sabay kaming susugod at pagtutulong tulungan kuyugin kung sino man yung kaaway. suntukan lang naman. kaso dahil nga sa dami namin kawawa ka talaga pag napa trobol ka sa amin.

natatandaan ko pa na me nakaaway ang kaibigan ko na mas matanda sa amin. grade 4 lang ata kami nuon at grade 6 naman yung kaaway (tawagin na lang natin syang buknoy - pero bernard talaga yung pangalan nya). syempre pa gustong makaganti ng kaibigan ko. ayun, sugod naman kami. inabutan naming dalawa lang ang kasama ni buknoy at sampu naman kami. takbo sila. inabutan naman namin. di naman namin binugbog si buknoy. ang ginawa namin hinubaran namin tapos hinagis sa taas ng puno ng sampalok yung mga damit nya! sabay takbuhan kami papalayo.

nung kasalukuyang umaakyat sya ng puno para kunin ang damit nya tinawag namin ang isang titser ng grade 4 at tinuro namin si buknoy na hubad pa rin at pababa pa lang sa puno. me mga bata na sa baba ng puno ng sampalok na sabay sabay na sumisigaw ng "buknoy supot! buknoy supot!" si bernard naman, este, buknoy pala, sumisigaw din ng "papatayin ko kayong lahat!" pagdating nya sa baba sabay sabi nung titser "o, buknoy mamaya mo na sila patayin. punta muna tayo sa opis ng prinsipal." AYUN! na opis na sya nalaman pa ng buong eskwelahan na supot pa pala sya. kawawang bata.

Kalokohan 101: Ang Kwento ng Binalot (BASTOS)

sobrang pilyo kami nung mga bata pa kami. marami kaming kalokohan na sa tuwing naaalala ko ay naiisip ko "sana wag gawin ng mga anak ko 'to."

nung mga panahong elementarya pa lang kami mahilig kaming magpa ring ng doorbell sa mga nadadaanan naming mga bahay sabay takbo, tago sa pinakamalapit na kublihan at pagtatawanan kung sino man yung magbubukas ng pinto at maghahanap kung sino yung kumatok. minsan naman naisipan ng kasama ko na magtali ng kuting na napulot namin sa pintuang kakatukin namin. ang pagkakatali ng kuting ay tapat sa mukha ng magbubukas ng pinto kaya pagbukas nya ay kuting ang sasalubong sa kanya. masaklap kung mapapa "akap" sa mukha nya yung kuting (araykupo!). dalawang beses lang namin nagawa dahil ang hirap humuli ng kuting.

meron pa kaming isang kalokohan sa pag doorbell na paulit ulit naming ginawa nuon at hanggang ngayun ay napapangiti pa rin ako pag naaalala ko. ang modus operandi namin ay ganito. mangungulekta kami ng tae (oo, tae nga) ng aso o kaya ng kalabaw tapos ibabalot namin ito sa dyaryo. tapos ilalagay namin sa harap ng bahay na kakatukin namin tapos sisindihan namin yung papel sabay kakatok kami sa pinto o kaya's mag do doorbell. pagbukas ng pinto ay magugulat ang makakakita sa nagaapoy na papel "shet! ano to!" sabay apak dito "shet! shet nga!" AYUN! jackpot! kami nama'y walang humpay na pagtawa kung saan man kami nakakubli nung mga oras na iyon.

ang kalokohan nga naman ng kabataan.

Wednesday, November 12, 2008

Ang Alamat ng Pusang Inahitan, Putong Inamoy, At Kung Anu Ano Pa

nuong bata ka pa bawal pang magmura diba? nung mga panahong yun parang nakakatuwa na nakakapagsalita ka ng salitang mga matatanda lang pwedeng magsalita. tapos mapapanuod mo pa sa pelikula ni ramon revilla, rudy fernandez, at kung sino sino pang action stars na nagmumura sila. parang "cool" ang dating. astig na astig. kaso pag nadinig ka ng nanay mo o kaya tatay mo yari ka. pitik ka sa nguso o kaya sampal pa.

syempre pa me mga bata na nakakapagmura. sabi mo bakit di ako e ala naman nakakadinig na iba. hala, mura ka din ng mura. masama nyan me makadinig sa yo na kakilala ng tatay mo o kaya nanay mo tapos isumbong ka (aba oy, yung anak mo kung makamura ay parang preso). mas masama kung madulas ka sa harap nila mismo. sasabihin ng tatay / nanay mo... "tangina kang bata ka! bakit ka nagmumura. tarantado ka a. san mo natutunan yang salitang yan, hayup ka. gusto mong paduguin ko yang nguso mong lintik ka!" AYUN!

yung mga medyo malikhain umiimbento ng sariling mura. andyang makarinig ka ng salitang walangdya, walan-gade, lanya, nyangyan (para sa walang hiya), yopnayan, yup, nimal (para sa hayup), tang inumin mo/nyo, pusang inahitan, putong gala, putris, pyucha, inamoy, putong inamoy, pusong inahin, pusang inahin, pusang inalis, pusong inalis, pusang ginalis, pusang kinilaw, king-ina, pudayninamoy, tanginoneks, tangninonaks (putang ina mo/nyo/nila); ogag (gago); linsyak, linchik (lintik), at kung ano ano pa.

natatandaan ko pa nuong bata pa ko pag nagkukwentuhan kami...

ako: napanuod mo ba yung pelikula ni agimat kagabi sa channel 2.
sila: oo. walangdyang galing ni ramon revilla no. ayup!
ako: pusang inahitang galing sa aksyon. lalo na yung naging totoo yung mga tattoo nya. linchik, parang totoo!
iba: di ko napanood. king-inang kapatid ko cartoons ang gusto. yupnayan o.

o kaya naman pag nag away na...

ako: pusang ginalis ka naman. bakit mo kinuha yung jolens ko. nimal ka.
sila: ogag ka ba? di naman ako kumuha nun nambibintang ka agad. namo!
ako: tanginumin mo! ikaw yun, nakita kita, yup ka!
sila: putong inamoy! di ako. landya ka. yung linsyak na si kwan kumuha nun.
ako: pusang inahin ka!
sila: pudayninamoy!
ako: pusang ginalis ka!
sila: pusang inahin mo!
ako: suntukan na lang! tangninonaks!


meron namang iba na hindi naman mura pero parang ganun na rin...

ako: neknek mo!
sila: neknek mo dalawampu!
ako: katawan mo balot ng neknek!
sila: neknek mo at ng nanay mo!
ako: walang damayan ng nanay. neknek mo at ng buong pamilya mo!
sila: walang damayan ng pamilya! neknek mo at ng buong baranggay nyo!

hanggang mabalot ng neknek ang buong daigdig.

ang saya no?

Tuesday, November 11, 2008

Ang Politiko At Ang Pari

Sa okasyon ng pagre-retiro ng isang pari matapos ang 25 taon sa kanyang parokya ay nag karoon sila ng isang programang parangal. Imbitado sa okasyong ito ang isang prominenteng lokal na politiko upang magbigay ng maigsing talumpati at papuri sa nasabing pari. Subalit sa oras ng talumpati ay wala pa ang politiko. Upang di mainip ang mga bisita, nagbigay muna ang pari ng maigsing anekdota tungkol sa kanyang ekspiriyensya sa parokyang yaon.

“Nuong bago pa lang ako rito sa parokya natin akala ko ay napaka makasalanan ang mga tao rito. Itong impresyong ito ay dahil sa kaunaunahang kumpisal na natanggap ko. Ang unang taong lumapit sa akin para mangumpisal ay umamin na sya ay nagnakaw ng mga alahas. At ng tinanong sya ng mga pulis ay buong husay syang nakapagsinungaling. Ginamit nya ng walang paalam ang credit card ng magulang nya, pineke nya ang kamatayan ng lolo nya para makuha ang insurance policy nito, ninakawan nya ang amo nya, nakiapid sya sa asawa ng kaibigan nya, tumikim ng bawal na gamot, gahaman sa alak at sugal, at nanghawa ng sakit na tulo sa kanyang kapatid na babae. Ako’y lubhang nabahala sa aking narinig. Subalit pagdaan ng mga araw, napatunayan ko na hindi lahat ng tao sa parokyang ito ay tulad nya. Ako’y natutuwang sabihin na ang parokyang ito ay puno ng mabubuti at mapagmahal na tao."

Pagkatapos na pagkatapos ng pananalita ng pari ay dumating na ang panauhing pandangal. Humingi sya ng dispensa sa kanyang pagka antala at agad agad na umakyat sa entablado para magbigay ng kanyang talumpati at parangal sa pari.

“Hinding hindi ko makakalimutan ang unang araw na dumating ang ating butihing pari sa parokyang ito. Sa katunayan, ikinararangal kong sabihin sa inyo na ako ang kauna unahang taong nangumpisal sa kanya…”

Aral: Wag magtiwala ng sikreto sa mga Pari!

Sunday, November 9, 2008

Ang High Tech Kong Lola




Base ito sa text message na natanggap ko nung matagal na. Naisipan ko lang gawan ng comic strip. Wag mo nang itanong kung bakit. Basta nga naisipan ko lang e.

Sa mga malabo ang mata, nagcha chat si lola. Ang sabi dun sa bubble sa 2nd frame "BRB, ANDITO APO KO". Hehe. Sino kaya ka chat ni lola.

Friday, November 7, 2008

Blog Promotion














Bawal Umutot sa FX




Sakay ako ng FX kaninang pauwi ako galing sa trabaho. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng Shaw Boulevard biglang merong umamoy na kakaiba. Tangina, me umutot! Aircon pa naman yung FX.


Takip ako ng ilong. Alam ko dun sa pwesto ko sa likod galing yung amoy pero syempre lahat kunwari nababahuan. Sino ba namang aamin na sya ang umutot, di ba? Lalo na kung sobrang baho. Putsa, yung utot na pinakawalan sa FX e parang me kasamang alam mo na. Yun bang malagkit na utot kung tawagin nila.

Naalala ko tuloy yung tiyahin ko. Kasi minsan nung nagsisimba kami (matagal na panahon na yun) habang nakapila kami para sa kumunyon bigla ba namang umutot ng pagka lakas lakas. Syempre tinginan ang mga tao. Tapos napansin ko sa akin nakatingin. Yun palang tiyahin ko (na nakatayo sa harap ko) e nakatingin sa akin na para bang ako yung umutot. Ako naman e me pagkamahiyain pa nuon kaya nag blush sa hiya. Ayun parang inamin ko na ako nga yung umutot.

Para Sa Mga Adik sa Text

Heto na ang akong IS EM IS na post. Kala nila sila lang ha. Pakikinabangan ko din ang pinaghirapan ng iba. Bwahahahaha.

Manny Pacquiao bumps an American

Pacquiao: surry!!!

Foreigner: sorry too!!

Pacquiao: im surry 3!!!

Foreigner: What your sorry for??

Pacquiao: surry 5!!!

Foreigner: sorry but your sick!!

Pacquiao: Surry 7.. kala yata nito hindi ako marunong magbilang ah…




Paquiao: (Nag-e-exercise)
1234 Amen...!

5678 Amen...!

8765 Amen...!

4321 Amen...!


Roach: Manny, why do you keep saying Amen..?


Paquiao: Ano ka ba kuts, di ba sabi mo I hab tu... "TRAIN RELIGIOUSLY"..!




Pacquiao Joins Game Ka Na Ba?

Edu: For the easy round. Manny, Ilang liter meron ang Coke litro

Paquiao: (Me halong yabang) Edu naman. Napakadaling tanung naman nyan.

Edu: Sige Manny sagutin mo na at baka maubos na oras natin

Paquiao: E di siyam, liter C, liter O, liter K...



Manny Paquiao at Mcdo.

Manny: I’ll have large fries, coke and a burger.


CASHIER: for dine in or for take out?


Manny: Di mo ba ko kilala?


CASHIER: Kilala po.


Manny: E bakit ka pa nagtatanong, syimpri its for Manny.

Thursday, November 6, 2008

Textus Addictus



Ang mga tao dito sa Pinas sobrang pagka adik sa text. Yung iba wala na nga makain pero pag gustong mag text me pang load. Nung nag iisip ako ng content nitong blog ko napadaan ako sa site na topblog.com.ph. Dahil sa ako'y mahilig sa mga bagay na nakakatawa nai-click ko yung humor na link. Aba'y kagulat at ang number 1 sa dami ng nag a access ay patungkol sa SMS o text messages. Ng mag scroll down ako, aba'y anim na site pa ang aking nadaanan na patungkol pa rin sa text.

Ang mga site na ito ay kumikita sa mga pinagsama samang text messages. Akalain mong 3000 hits a day ang number 1. Yun ngang mga text na Inday series me blog na rin pala. Hayup no!

Gagayahin ko nga sila at maglalagay rin ako rito ng mga forwarded na messages. Pagsasama samahin ko yung mga email at SMS para pakinabangan ko naman yung mga nawawaldas kong piso sa pag forward ng walang kwentang mga message.

Sign off muna ako at mangungupit ako ng texts dun sa mga nauna ng mangupit sa iba. Bakit? Sila lang ba pwedeng makinabang sa ideyang di rin naman kanila.

Isang Araw...

Isang araw, wala akong magawa. Absent ako sa trabaho nun. Nakababad ako maghapon sa harap ng computer at nag ba browse ng kung anik anik.

Tapos nadaanan ko itong isang site na napakaraming commercial. Aba putsa, kahit pala sa internet ay sandamakmak na rin ang ads. Tapos me nabasa ako na "how to earn money with your blog" sa isang site na puro blog.

Blog? Ano yun? Kumikita pala sila dun. Ang alam ko lang na blog e yung tunog kapag bumagsak ka sa sahig. Yun bang KA-BLOG! Tapos me kasunod na "araykupo, pu^@#%inang sakit!"

Konting research laang at nakarating ako dito sa Blogger. Konting basa, konting click at eto nagba blog na rin ako. Nahirapan nga ako umisip ng title. Gusto ko sana e yung nakaka impress. Tipong malalim na ingles. Thirty minutes na wala pa ko maisip. Tapos napamura na ako. Ay puuuu... teka, pwedeng title yun ah! Kaya eto, title ng blog ko, Blog Ng Ina Mo.

Sana kumita ako rito. Ano kayang ilalagay ko rito. Bukas na lang at parang dudugo na ilong ko kakaisip. Iisip pa nga ako ng kasinungalingan sa boss ko bukas. Hay naku.