Saturday, July 9, 2011

Battle of the Brainless


Brainless is back!"

Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?

Contestant : Niyog?

Host: Mas matigas pa diyan.

Contestant : (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!



Host : Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?

Contestant: Sa back?

Host : O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).

Contestant: Likod?

Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name
nito(Rizal Park ).

Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)



Host : Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?

Contestant: Banyo?

Host : Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.

Contestant: Bubong?

Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.

Contestant : Beerhouse!



Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag
ikaw
ay nalulunod?

Contestant : Lifebuoy?

Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.

Contestant : Safeguard?

Host :Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.

Contestant : Safe Buoy?

Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.

Contestant : Ah, Mr. Clean!




Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat
upang
hindi ka malunod?

Contestant: Sirena?

Host : Hindi! Hindi ito babae.

Contestant : Siyokoy?

Host : Hindi ito lalake.

Contestant : Siyoke?



Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines ?

Contestant: Sunflower?

Host : Hindi. Binebenta ito sa kalye.

Contestant: Stork?

Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.

Contestant: Sitsarong bulaklak?

Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".

Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?

Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong
pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A",
at
kapangalan ng isang sikat na singer?

Contestant : Si...Sharon Cuneta!



Host : Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia?

Contestant : Carole KING?

Host:Hindi, mas mababa sa king.

Contestant : Al QUINN?

Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.

Contestant: Armida Siguion-REYNA?

Host : Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.

Contestant : BISHOP Bacani?

Host : Mas mababa sa bishop.

Contestant : Johnny MidNIGHT?

Host : Mas mababa sa Knight.

Contestant : Jerry PONS?

Host : Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung
kahuli-hulihang piyesa na lang.

Contestant: Sylvia laTORRE!



Host : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill?
Clue,may
initials na N.A. (Ninoy Aquino)

Contestant: Nora Aunor?

Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".

Contestant : Guy Aunor?

Host: Hindi.Dati siyang Senador.

Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?

Host: Hindi. Patay na siya.

Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!



One more dagdag:

Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?

Contestant: Kuto?

Host : Hinde. Clue, it tills the land.

Contestant : Kutong Lupa!

No comments: