Dear Berta,happy valentines day.
alam kong hindi ito ang ideal mong valentines greeting kasi wala itong kasamang dose-dosenang roses at mga singer na naghaharana sa'yo habang pinapaulanan ka ng mga petals ng rosas habang nakatayo ako sa labas ng office nyo na nakasuot ng masakip na damit at pantalon tapos ang buhok ay naka gel na ang aayos ay parang bagong gising lang. tapos may hawak akong helmet habang naka upo ako sa ducati na sports bike o kaya naman naka tuxedo ako habang nakasakay sa limosine o sportscar. tapos pupunta tayo sa isang mamahaling restaurant at biglang sasabihin ko ang isang makabagbag damdaming dialog habang tumutugtog ang Canon D ni Pachelbel tapos magdadrama ka at sassabihin mong hindi pwedeng magkatuluyan tayo kasi mahirap ka lang / may sakit ka at malapit ka ng mamatay / mapang-alipusta ang magulang ko / etc. tapos tatakbo ka palabas ng restaurant at hahabulin kita tapos masasagasaan ako tapos babalikan mo ako habang nakahandusay ako sa kalye at sasabihin mong mahal na mahal mo ako habang naghihingalo ako at bago ako mamatay ay ki-kiss ka muna tapos uulan ng malakas, matitigok ako at sisigaw ka ng hindeeeeee.
pero para sa akin, mas okay itong simpleng greeting na ito kasi totoo ito, mula sa puso ko at hindi isang pantasya lang o isang palabas sa TV na alam naman natin (at least, para sa akin) na hindi nangyayari sa tunay na buhay.
at dahil sa ako ang BF mo at hindi isang milyonaryong koreano na naka face powder, naka lip gloss, at naka masikip na damit, pagtyagaan mo na lang ang pagiging barat ko.
i love you. happy valentines.
Love,
Ben
Showing posts with label Virgin. Show all posts
Showing posts with label Virgin. Show all posts
Tuesday, February 14, 2012
A Valentines True Story
Isang sulat na natagpuan ko sa kubeta. Pinalitan ko ang tunay nilang pangalan para maproteksyunan ang kanilang privacy. Hindi ko alam ang backstory pero baka may mapulot kayong magandang aral dito.
Monday, February 13, 2012
Saturday, February 4, 2012
Sunday, December 4, 2011
Wednesday, February 18, 2009
SMS / Text Messages Collection: Bastos
Mahal mo sya..
May mahal siyang iba..
One day nakita mo sya kasama ung mahal nya..
Just close your eyes and pray..
"Sana mamatay na ung hayop na un d nmn cla bagay..."
If you believe in signs ..
in serendipity ..
in destiny ..
in soulmates ..
in love at first sight ..
in eternal love..
Taena!!!! Mamamatay kang VIRGIN!!!
Manghuhula: Magiging mapalad ka sa larangan ng sex.
Duduy: Wow!!! ibig nyong sabihin, marami akong makakasex???
Manghuhula: Hindi. Palad mo lang lagi ang makakasex mo!!!

Thursday, November 6, 2008
Isang Araw...
Isang araw, wala akong magawa. Absent ako sa trabaho nun. Nakababad ako maghapon sa harap ng computer at nag ba browse ng kung anik anik.
Tapos nadaanan ko itong isang site na napakaraming commercial. Aba putsa, kahit pala sa internet ay sandamakmak na rin ang ads. Tapos me nabasa ako na "how to earn money with your blog" sa isang site na puro blog.
Blog? Ano yun? Kumikita pala sila dun. Ang alam ko lang na blog e yung tunog kapag bumagsak ka sa sahig. Yun bang KA-BLOG! Tapos me kasunod na "araykupo, pu^@#%inang sakit!"
Konting research laang at nakarating ako dito sa Blogger. Konting basa, konting click at eto nagba blog na rin ako. Nahirapan nga ako umisip ng title. Gusto ko sana e yung nakaka impress. Tipong malalim na ingles. Thirty minutes na wala pa ko maisip. Tapos napamura na ako. Ay puuuu... teka, pwedeng title yun ah! Kaya eto, title ng blog ko, Blog Ng Ina Mo.
Sana kumita ako rito. Ano kayang ilalagay ko rito. Bukas na lang at parang dudugo na ilong ko kakaisip. Iisip pa nga ako ng kasinungalingan sa boss ko bukas. Hay naku.

Subscribe to:
Posts (Atom)