Tuesday, February 14, 2012

A Valentines True Story

Isang sulat na natagpuan ko sa kubeta. Pinalitan ko ang tunay nilang pangalan para maproteksyunan ang kanilang privacy. Hindi ko alam ang backstory pero baka may mapulot kayong magandang aral dito.


Dear Berta,

happy valentines day.

alam kong hindi ito ang ideal mong valentines greeting kasi wala itong kasamang dose-dosenang roses at mga singer na naghaharana sa'yo habang pinapaulanan ka ng mga petals ng rosas habang nakatayo ako sa labas ng office nyo na nakasuot ng masakip na damit at pantalon tapos ang buhok ay naka gel na ang aayos ay parang bagong gising lang. tapos may hawak akong helmet habang naka upo ako sa ducati na sports bike o kaya naman naka tuxedo ako habang nakasakay sa limosine o sportscar. tapos pupunta tayo sa isang mamahaling restaurant at biglang sasabihin ko ang isang makabagbag damdaming dialog habang tumutugtog ang Canon D ni Pachelbel tapos magdadrama ka at sassabihin mong hindi pwedeng magkatuluyan tayo kasi mahirap ka lang / may sakit ka at malapit ka ng mamatay / mapang-alipusta ang magulang ko / etc. tapos tatakbo ka palabas ng restaurant at hahabulin kita tapos masasagasaan ako tapos babalikan mo ako habang nakahandusay ako sa kalye at sasabihin mong mahal na mahal mo ako habang naghihingalo ako at bago ako mamatay ay ki-kiss ka muna tapos uulan ng malakas, matitigok ako at sisigaw ka ng hindeeeeee.

pero para sa akin, mas okay itong simpleng greeting na ito kasi totoo ito, mula sa puso ko at hindi isang pantasya lang o isang palabas sa TV na alam naman natin (at least, para sa akin) na hindi nangyayari sa tunay na buhay.

at dahil sa ako ang BF mo at hindi isang milyonaryong koreano na naka face powder,  naka lip gloss, at naka masikip na damit, pagtyagaan mo na lang ang pagiging barat ko.

i love you. happy valentines.



Love,
Ben

3 comments:

Rence said...

mukhang mahilig manood ng Pinoy movies ang sumulat ng love letter, a. hehehe

Admin said...

@Rence, parang sa koreanovella yata sya mahilig. Kasi kung pinoy movie yan malamang meron makikidnap, mamamatay dahil sa pansit, tapos e song and dance number.

friendship quotes said...

haha, ang lupit mo! :P

There was an error in this gadget