Tuesday, August 13, 2013

Sume-selfie



Kung mahigit kalahating oras ka nang kumukuha ng selfie at di mo pa rin makuha yung tamang anggulo, baka hindi na yung anggulo yung problema

Wednesday, July 31, 2013

T*ngina mo manong driver



Yung time na nakasakay ka sa isang humaharurot na bus na parang ahas kung magpalikoliko... tapos ang palabas sa video on board nya ay Final Destination. 

Tangina mo manong driver.

Monday, February 11, 2013

Bakit Malamig Ang Valentines Day Mo

Gusto nya Ferrero, Hany lang ang dala mo.

Gwapo at maporama ka pero nung huminga ka nahimatay sya.

Masyado ka choosy, di ka naman yummy.

Pwede na itirintas ang buhok mo... sa ilong.

Masyadong makapal ang bigote mo... e babae ka.

Mukha at amoy taong grasa ka.

Nung first date nyo um-order ka ng extra rice... 5x.

Magandang babae ka pero kung humalakhak ka kaboses mo si Chewbacca.

Iisa na ipin mo may tooth decay pa.

Pwede na taniman ng kamote ang batok mo sa kapal ng libag.

Hindi ka nga nagyoyosi pero nganga naman ang tinitira mo.

Amuy lumpia ka na binabad sa suka.

May buni ka sa pisngi.

Pero kung gusto mo talagang magka shota lakas lang naman ng loob kelangan mo. Manligaw ka lang ng manligaw (or kung babae ka lumandi lang ng lumandi). Malay mo naman na may tao pala katulad mo ang hanap. All is fair in love.

posted from Bloggeroid

There was an error in this gadget