Friday, June 19, 2009

Kakandidato Ba Si Mahal?

Malamang napapansin nyo na nagkalat na ang mga advertisement ng mga nagbabalak na kumandidato sa 2010. Anjan ang mga TV commercials ni Manny Villar at ni Mar Roxas. Sa mga posters naman makikita ang kay Bayani Fernando at kay Jejomar Binay.

Pero nitong nakaraang araw, habang binabagtas ko ang pink na foot bridge ng MMDA sa Quezon Avenue, QC sa kainitan ng araw, me napansin akong poster na bago.

Pilipinas Kong Mahal


Kung mapapansin nyo capitalized ang unang letra ng salitang Mahal at me guhit pa sa ilalim. Ibig bang sabihin nito e kakandidato rin si Mahal sa eleksyon? Anong pwesto kaya? Mayor ba? O baka naman *sindak* Presidente? Pero teka, kung sa pagka mayor sya kakandidato taga-QC ba sya? OMG! Baka nga sa pagka-presidente nya balak tumakbo! Ang tanong, taga Pilipinas ba sya? Ang ilalim ba ng lupa e considered na Pilipinas pa rin (kung sakaling laman-lupa o engkanto si Mahal.)

Wala namang pipigil sa kanya kung gusto man nyang kumandidato. Nasa Comelec naman yan kung papayagan nila si Mahal. Ano ano ba ang kwalipikasyon nya para makapasok sa politika? Tingnan nga natin:

1. dati syang artista (Erap, Loren Legarda, Bong Revilla, Ramon Revilla, Lito Lapid)
2. maliit sya (di ba at di rin naman matangkad si Tita Glow?)
3. nakakatawa sya. (Lahat ng pulitiko)
4. marunong syang sumayaw (tessie aquino oreta).
5. di na importante pa yung iba kasi wala naming pakialam ang mga pinoy kung edukado ka ba o kung meron kang madilim na nakaraan basta sikat at entertaining pwede na.

Sino kayang kukunin nyang Vice? Si Mura kaya? Ano kayang slogan nya? “Mura lang ang Pilipinas” o kaya naman “Isang Mura lang ang kailangan ng Pilipinas” O mas matindi… “Putanginang Pilipinas.” O diba murang mura ang dating.



Ang tanging balakid nya lang e ang scandal video nya. Yung nagpa video sya habang naliligo ng hubad). Pero hindi pa siguro nito kayang sapawan yung ke Katrina Halili… unless meron din silang video ni Hayden Kho.

Actually medyo pabor din naman sa Pilipinas kung maging presidente natin si Mahal. Kung meron mang gustong mag assassinate sa kanya medyo mahihirapan umasinta dahil sa maliit sya. Makatitipid ang sambayanan sa gastos sa pananamit ng Presidente kasi konting tela lang ang magagamit. Sa foreign relations naman maaring ma cute-an sa kanya ang mga pinuno ng ibang bansa at makapagdulot ito ng paborableng image sa Pilipinas. At kung totoong engkanto o dwende nga si Mahal madali natin mareresolba ang gyera sa Mindanao at problema natin sa Abu Sayyaf. Tatakutin lang nila o isusumpa ang mga kalaban tapos na ang gyera, tipid pa sa bala.