Monday, November 7, 2011

Mga Klase Ng Sweldo

Sibuyas Na Sweldo: Kapag hinati-hati mo na sa gastusin… mapapaluha ka.

Pampapayat na Sweldo: Habang tumatagal pakonti ng pa konti ang natitirang pang kain mo.


Magic Sweldo: Konti kumpas lang ng kamay at, VOILA!... wala na sya.


Mala-bagyong Sweldo: Di ka sigurado kung kailang ito darating at/o kung gaano ito tatagal.


Korning Pelikulang Sweldo: Tinatawanan mo na lang para di ka mabwisit!


Konserbatibong Sweldo: Nakakawala ng inspirasyon!


Baog na Sweldo: Kahit anong trabaho ang gawin mo wala pa ring kalalabasan ito….


Reglang Sweldo: Isang beses isang buwan lang dumating at tumatagal lang ng 3 araw.


Hitsura ko sa tuwing su-sweldo ako.



1 comment:

nieco_speaks said...

magic sweldo. winner! ehehehe

There was an error in this gadget