Sunday, March 1, 2009

Bossa Nova is the new Devils music

Meron ako dating CD na Bossa N' Marley... album ng mga kanta ni Bob Marley ginawang bossa. Me nag recommend sa akin kasi maganda daw. Alam daw kasi nila na fan ako ni Bob Marley. Alam daw nila na ma-appreciate ko.

Na curious naman ako kasi nga fan ako. Pumunta ako sa mga record bars para maghanap. Matapos ang ilang mall na napuntahan ko nakatagpo ako sa Music One. P350 lang naman. Maganda yung cover, crotch shot ng chick na nakabikini na me hawak na alak na nilunod sa lime tapos yung isang kamay binababa yung garter ng bikini para ipakita ang tattoo ng mukha ni Bob Marley.

Atat akong umuwi para mapakinggan. Tapos habang pinapakinggan ko yung mga kanta. Narealize ko na totoo nga na Bossa Nova is the new devils music. Kasi habang pinapakinggan ko yung mga kanta parang gusto kong manakit ng tao... Parang gusto kong saktan yung nakaisip na gawing bossa nova yung mga kanta ni Bob Marley. Parang gusto ko ding sakalin yung nag recommend sa akin na bilihin ko yung album. Shit! Siguro kung andun ako sa mismong recording studio habang nire-record yung mga kanta baka tinadyakan ko yung pinto nung studio sabay sigaw ng "TAENA NYONG LAHAAATTTT, WAG NYONG BABUYIN ANG KANTA NG IDOL KOOOOO. MGA HAYUP! MGA WALANGYAAAAA!." Tapos naalala ko, pacifist nga pala idol ko. Ayaw sa violence. Hinanap ko na lang yung vinyl kong "Legend" at pinatugtog ko ng buong lakas sabay sindi ng pampakalma.

Binalot ko na lang yung CD at naidonate ko sa kaibigan kong Satanista. Baka sakaling magamit nilang background music sa isa sa mga ritwal nila.

Payong kapatid sa mga mahilig sa music... save your soul, dont ever listen to songs you like na ginawang bossa.

3 comments:

RhonB (aka Pinkoy) said...

Hehe...kaya hindi ako nakikinig ng bossa e...kainis lang!

hard drive recovery said...

Bossa is so evil if you save it on your PC your hard drive will go bust. hard drive recovery.

Anonymous said...

It is a good horse that never stumbles.

There was an error in this gadget