Showing posts with label Blog. Show all posts
Showing posts with label Blog. Show all posts

Wednesday, October 19, 2011

Chaser


Habang nakikinig ako ng mga lumang kantang RnB merong isang kanta na pumukaw sa isip ko. Ayun sa kanta ng TLC “don’t go chasing waterfalls” daw. Anu namang sense nun? Bakit ka nila pipigilang humabol sa waterfalls e napakadaling habulin nun. Hindi nga umaalis yun e. 


Sana kung magpapayo sila yung medyo me pakinabang, halimbawa; “don’t go chasing crocodiles” kasi yung crocodiles nangangain ng tao yun. Di ba mas may sense yun?


Sunday, November 9, 2008

Ang High Tech Kong Lola




Base ito sa text message na natanggap ko nung matagal na. Naisipan ko lang gawan ng comic strip. Wag mo nang itanong kung bakit. Basta nga naisipan ko lang e.

Sa mga malabo ang mata, nagcha chat si lola. Ang sabi dun sa bubble sa 2nd frame "BRB, ANDITO APO KO". Hehe. Sino kaya ka chat ni lola.

Thursday, November 6, 2008

Textus Addictus



Ang mga tao dito sa Pinas sobrang pagka adik sa text. Yung iba wala na nga makain pero pag gustong mag text me pang load. Nung nag iisip ako ng content nitong blog ko napadaan ako sa site na topblog.com.ph. Dahil sa ako'y mahilig sa mga bagay na nakakatawa nai-click ko yung humor na link. Aba'y kagulat at ang number 1 sa dami ng nag a access ay patungkol sa SMS o text messages. Ng mag scroll down ako, aba'y anim na site pa ang aking nadaanan na patungkol pa rin sa text.

Ang mga site na ito ay kumikita sa mga pinagsama samang text messages. Akalain mong 3000 hits a day ang number 1. Yun ngang mga text na Inday series me blog na rin pala. Hayup no!

Gagayahin ko nga sila at maglalagay rin ako rito ng mga forwarded na messages. Pagsasama samahin ko yung mga email at SMS para pakinabangan ko naman yung mga nawawaldas kong piso sa pag forward ng walang kwentang mga message.

Sign off muna ako at mangungupit ako ng texts dun sa mga nauna ng mangupit sa iba. Bakit? Sila lang ba pwedeng makinabang sa ideyang di rin naman kanila.