Friday, December 9, 2011

Luma Na Ito Pero Natatawa Pa Rin Ako

May 3 hunters na nahuli ng mga cannibals sa gubat. dinala sila sa harap ng tribal chief para siya ang pupugot ng ulo. nagmakaawa yung mga hunters. naawa naman yung chief.

Chief: sige hindi namin kayo papatayin, sa isang kondisyon. kailangan isa-isa kayong mangolekta ng 10 pirasong prutas. dalhin nyo iyon dito at saka ko sasabihin ang sunod nyong gagawin.

naghiwa-hiwalay ang tatlong magkakaibigan. unang dumating si Pedro, dala-dala'y 10 oranges.

Chief: ngayon, ipasok mo ang lahat ng mga prutas na iyan sa iyong puwet. kailangan ay hindi magbabago ang mukha mo. konting ngiwi o ngiti lang ay pupugutan ka agad namin ng ulo.

unang orange pa lang ang pinapasok ay napa-sigaw agad si Pedro. agad siyang pinugutan ng ulo. sunod na dumating ay si Juan, dala-dala'y 10 lansones. tuwang-tuwa siya ng in-explain sa kanya nung Chief kung ano ang kailangan nyang gawin.

Juan: sus! sisiw lang pala. kayang-kaya! buti na lang maliit na prutas ang kino-lekta ko.

naipasok ni Juan ang mga lansones sa kanyang puwit ng walang problema. ngunit nung asa pang-10 prutas na siya, bigla siyang napatawa. pugot-ulo agad.

pagkamatay ay napunta agad si Juan sa langit kung saan nakita niya si Pedro. nagkausap ang dalawa.

Pedro: sayang Juan! pinapanood kita dito sa langit habang ginagawa mo yung utos. isang lansones na lang hindi mo pa tiniis! buhay ka pa sana ngayon. ano bang nangyari sayo?

Juan: pare, ang dali-dali ngang ipasok nung mga lansones. kaso, nung matatapos na ako bigla kong nakita si pareng Jose -- may dala-dalang 10 LANGKA !

No comments:

There was an error in this gadget