Thursday, January 22, 2009

Mag Ingat sa Pagpili ng Pangalan ng Bata (Bastos)

Kahapon nag rereview ako ng database ng mga customer namin ng matamurawan ko ang mga pangalang nakapagpangiti sa akin. Ang pangalan ng customer namin ay Manchu (itago na lang natin ang apelyedo at baka masibak ako sa trabaho). Ang kasunod na pangalan naman ay me apelyidong Tiofa. Naglaro ang madumi kong utak... paano na lang kung ang apelyido ni Manchu ay Tiofa. Sagwa no? Imagine sa roll call nung estudyante pa sya:


Titser: Taas ang kamay pag tinawag ko ha... Manchu Tiofa

Manchu: Mam, present!

Titser: Manchu Tiopa ka talaga?

Manchu: Yes Mam.

Titser: Ano bang naisip ng magulang mo ng pangalanan ka.

Manchu: Para daw po siga ang dating! Kasi yung intsik na karatista kalapit naming Fu Manchu pangalan.

Titser: So siga ka kung tawagin kang Manchu Tiopa?

Manchu: ahhhh... siguro po.




Paano naman kung absent si Manchu tapos gwapo titser:

Titser: Taas kamay pag tinawag ha... Tiofa, Manchu.

Walang sasagot kaya uulitin ng titser...

Titser: Tiofa, Manchu... Meron bang Manchu Tiofa dito?

Taasan ng kamay ng mga bading at ng mga malalanding kababaihan.

Titser: Lahat kayo Manchu Tiofa?

Bading: Basta ikaw Sir, OO, Manchu Tiofa kaming lahat.




Paano naman kung Rhea Gono pangalan mo?

Titser: (Roll call) Gono, Rhea. Merong ba Gono, Rhea dito.

E maingay klase...

Titser: (Pasigaw) Gono, Rhea! Me Gono, Rhea ba dito.

Tahimik lahat sabay turo sa kaklaseng pokpok.

Estudyante: Sya po baka me gonorrhea na.




Ang Gulo Na Naidulot Ni Chino

Me nangyaring kaguluhan sa iskwelahan at ang itinuturong me sala e si Chino.

Bading na Titser: Sinong me kagagawan nito?

Witness: Si Chino po

Bading na Titser: Anong apelyido?

Witness: Paco po.

Bading na Titser: Chino Paco? Sinong Chino Paco?

Sabay daan ng co-teacher nya.

Co-titser: Sino nga ba?

Estudyanteng atribido: Yung pong estudyante sa Section X

Bading na Titser: Chino Paco sa Section X… Sige pabalikin dito yang Chino Pacong yan at kakainin ko ng buhay yang batang yan. Matitikman nya ang kamay kong bakal, at ang bagsik ng bibig ko!

Co-titser: (Pabulong) Juskopong pineapple! Napakahalay (sabay sign of the cross)

Diretso si co-titser sa principals office sabay kinasuhan si Bading na Titser ng sexual harassment at rape.

2 comments:

Amor said...

hahah, ano ba yan, ang kulit

Rence said...

Naalala ko tuloy yung mga jokes namin noon. May isang babae na ang apelyido ng nanay ay Bagonggahasa. Ang apelyido naman ng tatay ay Biglangtihaya. LOL

There was an error in this gadget