Wednesday, September 14, 2011

Ms. Inter-Galactic Winner!

Walang sinabi si Ms Angola dito sa nanalo sa Ms Inter-Galactic. Kung di nga lang lampas na sa age limit baka sya pa ang nanalo sa Ms Universe.

Question and Answer Portion:

Judge: What is your opinion on giving kids Sex Education
Dutsis op Ginsan:  Para sakin uki lang na ituro yun sa iskul and Siks Idukisyun basta wag lang magbibigay ng homwork sa mga bata ay! 

Ang winner habang pinuputungan ng koronang gawa
sa dinurog na buto ng mga unicorns.

Airfare PROMO

PAL Piso Fare Promo.


SABIT NGA LANG SA BUBONG.

Monday, September 12, 2011

Pampainit...

Sariwang sariwa...
Nanggigigil ka na ba?








Konti pa...
Malapit na ang glorya.







Nag-i-init ka na ba?
Konting baba pa.






Eto na sya...




MALAPIT NA...













Nakakainit di ba? Nakakainit ng ULO. Wahahaha...






Sunday, September 4, 2011

Parang Platypus Lang...



Ginawa ko ang post na ito dahil sa Plurk post na ITO.
Ang quote ay mula sa Internet Action Star na si Ramon Bautista.
Ang platypus ay alaga ko... joke lang.


Thursday, September 1, 2011

20 Signs You're Watching a Pinoy Movie

  1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.
  2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki sabay taas ng kamay at ngingisi.
  3. Ang pansit nagdadala ng malas. Uuwi ng bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay nya. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay ang nanay at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pansit ay nakamamatay.
  4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho yung buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.
  5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
  6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
  7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
  8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na ang Salop).
  9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”
  10. Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitawan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng “Kuyaaa!”. Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.
  11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene. Nagla-love-making na sila.
  12. Kapag sinabi ng kontrabida sa bida ang masama niyang plano, sasabihin ng bida, “Hayop ka!”.
  13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.
  14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay ng pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.
  15. Ang hide-out ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilera sa paligid ng pool.
  16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para pwede sila sumandal habang nag-I-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.
  17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
  18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
  19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.
  20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.
There was an error in this gadget